1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Mga Yazidi nakiusap sa Canada na huwag pabalikin ang mga miyembro ng ISIS

Ang mga survivor ng ISIS genocide campaign ay sinabi na ang court order ay nagdadala ng takot, pagkabalisa

Mga tao na may dalang kabaong habang lumalakad sa daan.

Ang mga nakikiramay dala ang mga kabaong ng mga biktimang Yazidi ng ISIS kasunod ng kanilang exhumation mula sa isang mass grave malapit sa Kojo, Iraq noong Pebrero 6, 2021.

Litrato: Reuters

RCI

Ang nalalapit na pagbabalik ng mga diumano'y miyembro ng ISIS sa Canada ay nagdala ng trauma, pag-aalala at takot sa mga tao na naimbitahang pumunta sa Canada para manirahan sa isang ligtas na lugar matapos wasakin ng teroristang grupo ang kanilang lumang komunidad sa hilagang Iraq.

Noong una kong narinig ang balita, naramdaman ko na nawalan ng lakas ang aking katawan, ani Huda Ilyas Alhamad sa CBC News sa kanyang apartment sa Winnipeg.

Isa siya sa 1,200 survivors ng Yazidi genocide na nanirahan sa Canada; ilang taon siyang naging alipin ng mga miyembro ng ISIS.

Ang mga Yazidi ay miyembro ng isang ancient farming community na nagsasalita ng wikang Kurdish sa hilagang Iraq na nagpapraktis ng kanilang sariling monoteistiko na relihiyon.

Sila ay mga biktima ng isa sa pinakamatinding kalupitan ng ika-21 na siglo sa mga kamay ng Islamic fundamentalist terror group, na nais mabura ang mga taong Yazidi sa pamamagitan ng isang brutal na kampanyang inilunsad noong Agosto 3, 2014.

Noong nakaraang linggo, sumang-ayon ang pederal na gobyerno ng Canada na i-repatriate o pabalikin ang 19 na mga babae at batang Canadian na nakakulong sa detention camps sa Syria dahil pinagsususpetsahan sila at ang kanilang mga kaanak na mga miyembro ng ISIS.

Tulad ng maraming Yazidi, naniniwala si Huda na ang pederal na gobyerno at rights organizations na tumutulong sa suspected ISIS detainees ay walang muwang sa ugali ng mga taong tinutulungan nila. Kaya naman ang balitang ito ay nagdala ng anxiety at panic sa kanila.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita