- Home
- Lipunan
- Imigrasyon
Pagbabago sa immigration program uunahin ang may immediate family sa Alberta
Ang pagbabago ay mag-a-apply sa prospective newcomers na magtatrabaho sa high-demand sectors

Si Rajan Sawhney ang minister of community and social services sa Alberta.
Litrato: CBC News / Pete Evans
Ia-adjust ng Alberta ang proseso ng imigrasyon upang subukan na gawing mas madali para sa may malapit na kamag-anak sa probinsya ang lumipat sa Canada.
Inanunsyo ng probinsya noong Enero 18 na mag-a-allocate ito ng 25 % ng express entry nominations para sa potential newcomers na may skills in high demand at mayroong immediate family members na naninirahan na sa Alberta.
Sinabi ni Rajan Sawhney, ang minister of trade, immigration and multiculturalism ng Alberta, na makakatulong ito upang matugunan ang nagpapatuloy na kakulangan sa mga manggagawa habang pinapadali ang proseso para sa potensyal na mga imigrante.
Pinahihintulutan ng Alberta express entry stream ang probinsya na mag-nominate ng limitadong bilang ng mga kwalipikadong kandidato mula sa express entry system ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada.
Sinabi ng probinsya na ang pagbabago ay mag-a-apply sa prospective newcomers na may immediate family sa Alberta at mayroong skills para makapagtrabaho sa high-demand sectors tulad ng tech, healthcare at agrikultura.
Ang kumpletong detalye ibabalita ni Elise von Scheel ng CBC.
Panoorin ang kanyang ulat sa bidyo na ito:
Basahin din ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang description sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kay Omar Sherif (bagong window)