- Home
- Teknolohiya
- Cybersecurity
Green Party nag-post ng sensitibong impormasyon ukol sa mga botante at miyembro online
Tinawag ng isang privacy expert ang paglalabas sa impormasyon na ‘nakakagalit’

Bumaba ng entablado si Elizabeth May matapos ianunsyo ang isang bagay na may kaugnayan sa leadership race ng partido sa Ottawa noong Oktubre 3, 2020.
Litrato: La Presse canadienne / Adrian Wyld
Nag-post ang Green Party ng mga sensitibo at personal na impormasyon tungkol sa kanilang mga miyembro at supporter online, lumalabag ito sa sariling internal rules ng partido.
Libo-libong mga pangalan, numero ng telepono, mga address at iba pang sensitibong impormasyon ang naging available online, at accessible sa pamamagitan ng website ng partido. Hindi malinaw kung gaano katagal naging available ang mga impormasyon na ito online.
Nalaman ng CBC ang potential concerns tungkol sa Green Party noong Martes.
Ang access sa Google Drive document na naglalaman ng naturang impormasyon ay isinara na noong Huwebes matapos kontakin ng CBC ang partido.
Sinabi ng isang privacy expert na ang pagpo-post ng personal na impormasyon online ay nagku-qualify bilang breach of trust.
I’m sorry, talagang nakakagalit na nag-post ang Green Party ng ganitong impormasyon, ginawa nila itong available sa publiko,
ani Ann Cavoukian, ang pinuno ng Privacy by Design Centre of Excellence ng Toronto Metropolitan University at dating Ontario information and privacy commissioner.
Hindi malinaw kung gaano katagal naging available ang data online. Ang mga folder at file ay may petsa na Hulyo 2022.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.