1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Negosyo

Aritzia sikat na sikat sa U.S. ngayon — kaya ba nitong mag-live up sa hype?

Ang Vancouver-based retailer ay naging popular sa Estados Unidos, salamat sa TikTok

Mga babae na naglalakad sa harap ng shop ng Aritzia.

Naglalakad ang mga tao sa harap ng lokasyon ng Canadian retailer na Aritzia sa Flatiron District ng New York City noong Enero 21, 2023.

Litrato: CBC News / Sean Conaboy

RCI

Ang Vancouver-based clothing chain na Aritzia ay naging popular sa Estados Unidos kamakailan, pinangalanan ito ng Bloomberg News na “hottest fashion chain” sa Amerika ngayon.

Sa nakalipas na dalawang taon, ang mga Amerikanong kostumer ng Aritzia ay trumiple, sinabi ng executives sa mga investor noong huling taglagas, at ngayon humigit-kumulang kalahati ng negosyo nito ay nagmumula sa Estados Unidos.

Ang brand ay may malalaking plano para maging mas matagumpay sa susunod na mga taon, ayon sa executives, at inaasahan na ang mga tindahan sa Estados Unidos ay mahihigitan ang nasa Canada sa pagtatapos ng 2027 fiscal year.

Nakakasorpresa na makita ang isang bagong fashion brand mula sa Canada, pero tila talagang nagwo-work ito, ani Tim Calkins, isang clinical professor ng marketing sa Kellogg School of Management ng Northwestern University sa Evanston, Ill., na inihalintulad ang Aritzia sa American invasion ng Lululemon noong kalagitnaan ng 2000s.

Habang pinapalawak ng Aritzia ang kanilang footprint sa Estados Unidos, kaya ba ng brand na mag-live up sa hype?

Basahin ang mga plano ng kompanya rito (bagong window).

PANOORIN | Nag-take off ang popularidad ng Aritzia sa Estados Unidos:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita