1. Home
  2. Lipunan
  3. Multiculturalism

‘Magbigay liwanag’: Montreal inilahad ang programa para sa Black History Month

Ipinagdiriwang ang Black History Month sa Canada tuwing buwan ng Pebrero

Isang lalaki na may bulaklak sa kanyang bibig at mukha. May ulap at araw sa kanyang background.

Ang tema ng Montreal para sa Black History Month ngayong 2023 ay 'From Darkness to Light.'

Litrato: www.moishistoiredesnoirs.com

RCI

Sa ilalim ng tema na "From Darkness to Light," ang ika-32 na Black History Month ay naglalayong i-highlight ngayong taon ang yaman at diversity ng Black communities sa Quebec, gayundin ang paglikha ng moments of exchange at reflection sa pagitan ng populasyon.

Mula Pebrero 1 hanggang 28, ang Black History Month Roundtable ay magtatanghal ng iba’t ibang cultural, educational, social at historical events para isulong at ipagdiwang ang kontribusyon ng Afro-descendants sa lipunan ng Quebec.

Sa isang press conference na naganap noong Miyerkules ng umaga sa Montreal, iprinesenta ng mga nag-organisa ang programa ng mga aktibidad, na magaganap sa ilang siyudad ng probinsya.

Sa buong buwan, ang publiko ay maaaring dumalo sa mga komperensya, workshops gayundin sa film screenings, bukod sa pagsusuot ng berdeng puso na may itim na guhit, isang simbolo ng partisipasyon sa mga kasiyahan.

Ipripresenta ng Cinémathèque québécoise ang 15 na mga pelikula mula blaxploitation, isang American cultural trend mula 1970s na naglalayong baguhin ang papel ng mga African-American sa pelikula.

Para kay Schelby Jean-Baptiste, ang francophone spokesperson ng event, ang month-long event ay isang perpektong oportunidad para pag-aralan ang higit 180 ethnic at cultural communities sa Quebec.

Na-realize namin, sa nakalipas na mga taon, na maraming elemento ang nabura o itinago. Hindi pa kami natatapos na diskubrihin ang major historical elements na may epekto sa kung sino tayo ngayon, sinabi niya sa isang interbyu.

Habang may historical side sa mga selebrasyon, ang pokus ay nasa social progress, pag-asa at ang mga nagawa ng pinarangalang mga tao ng komunidad.

Ang importanteng bagay ay magbigay liwanag — kaya ito ang slogan para sa edisyon na ito — ang mga nagawa ng African-descendant communities at ipagdiwang ang mga tao na gumagawa ng difference ngayon, sinabi ng komedyante at host. Magpakita sa mga event, manatiling informed sa social media at magbasa.

Mga haligi ng kalusugan

Ang kontribusyon ng Black communities ay parte ng iba’t ibang spheres ng Quebec at ng lipunan ng Canada, kabilang ang pulitika, ang health network at ang cultural industry.

Sa kurso ng pandemya, na-realize namin ang malaking kontribusyon ng Afro people, at mas espisipiko ng mga Black na kababaihan … lalo na sa hospital environment, bilang orderlies, nurses o mga doktor. Lahat ng profiles na ito ay pinahintulutan kami na maunawaan ang importansya ng kontribusyon ng Black people sa Quebec, ani Schelby Jean-Baptiste.

Sa Canada, ang Black na mga kababaihan ay nasa health care at social assistance sector, ayon sa Statistics Canada data mula 2021. One-third ng Black women ay nagtatrabaho sa sektor na ito, kumpara sa natitirang 22.5% ng populasyon ng mga kababaihan. Para sa Black immigrant women, ang proportion na ito ay umakyat sa halos 38%.

Ang African-Canadian na mga kababaihan ay tumataas na ang kinatawan sa pulitika, partikular sa metropolitan government.

Mayroon kaming unang Black woman na presidente ng executive committee, ang unang Black woman president ng city council at ang unang Black woman mayor ng isang borough, ani Gracia Kasoki Katahwa, ang alkalde ng borough ng Côte-des-Neiges-Notre-Dame-de-Grâce, sa kumperensya.

Dagdag pa niya ito ang unang pagkakataon na maraming tao mula sa African descent ang may mga posisyon sa city council ng Montreal, executive committee at commissions.

"Malayo na ang ating narating mula nang ipagdiwang ang unang Black Week sa United States noong Pebrero 1926 at mula nang italaga ang Pebrero bilang Black History Month noong 1976," sinabi ng alkalde sa media.

Sa kabila nito, malayo pa rin ang ating lalakbayin.

Noong Marso 2022, ang Lungsod ng Montreal ay nagpresenta ng 12 pangako para palakasin at pabilisin ang sistematikong transpormasyon ng municipal administration.

Dinebelop ng Office of the Commissioner against Racism and Systemic Discrimination (OCRSD), ang mga pangako na iyon ay nakatuon sa pagbuo ng pampublikong kaligtasan na malaya mula sa profiling, cultural, economic at territorial equity at inclusive na partisipasyon ng mga mamamayan.

Sinabi ni Kasoki Katahwa na ang accountability ay ipripesenta sa Marso.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita