- Home
- Ekonomiya
- Economic Indicators
Renta para sa mga bagong tenant tumaas ng higit 18% noong 2022: CMHC
Ito ang pinakamahigpit na market mula 2001

Isang sign na nag-a-advertise ng mga apartment for rent sa Vancouver.
Litrato: CBC News / Ben Nelms
Itinulak ng surge sa demand ang rental market ng Canada sa pinakamahigpit na lebel sa loob ng dalawang dekada noong nakaraang taon, ang vacancy rate sa mga purpose-built apartment ay bumaba ng dalawang porsyento at ang renta para sa mga bagong uupa ay tumaas ng 18 porsyento.
Ilan lamang iyon sa mga pangunahing obserbasyon mula sa taunang ulat ng Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC) sa estado ng rental market sa Canada.
Ang mga numero na nabanggit ay para sa purpose-built rental apartments, hindi kasama ang nangyayari sa mga condo, o sa mga okupadong bahay na ginawang apartment.
Para sa purpose-built rentals, ang national vacancy rate ay bumagsak sa 1.9 porsyento noong nakaraang taon, ang pinakamababang lebel mula 2001.
Ang booming demand para sa mga apartment ay itinulak din ang presyo para makuha ito, ang average na renta ay umabot sa $1,258 kada buwan. Tumaas ng 5.6 porsyento mula sa lebel noong nakalipas na taon at humigit-kumulang doble ng annual average para sa nakalipas na 30 taon.
Pero ang renta ay hindi tumaas sa parehong bilis para sa bawat unit.
Ang mga apartment na nagbago ng mga tenant ay tumaas ang renta ng 18.9 porsyento. Ang mga walang nagbago sa tenancy ay tumaas ang renta ng 2.9 porsyento lamang, on average. Sinasalamin nito ang katotohanan na, sa oras na umalis ang isang tenant sa unit, ang mga landlord ay malaya na para taasan ang hinihinging renta sa kasalukuyang lebel ng merkado,
sabi ng CMHC.
Mas matindi ang gap na iyon sa dalawang malalaking siyudad sa Canada, ang Toronto at Vancouver, kung saan ang average na renta para sa isang unit na nagpalit ng tenant ay tumaas ng 29 at 24 porsyento, respectively.
Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.