- Home
- Politika
- Mga Paniniwala at Mga Relihiyon
Amira Elghawaby unang kinatawan ng Canada para labanan ang Islamophobia
‘Walang sinuman sa ating bansa ang dapat makaranas ng hatred dahil sa kanilang pananampalataya,’ ani Trudeau

Si Amira Elghawaby ay itinalaga bilang unang kinatawan ng Canada para labanan ang Islamophobia.
Litrato: CBC News
Inanunsyo ni Prime Minister Justin Trudeau ang pagtatalaga sa isang espesyal na kinatawan para labanan ang Islamophobia na papayuhan ang pederal na gobyerno kung paano lalabanan ang diskriminasyon kontra sa Muslim community.
Ang human rights activist na si Amira Elghawaby ay magiging responsable para magsilbi bilang isang kampeon, advisor, eksperto at kinatawan na susuporta at ie-enhance
ang mga gawain ng gobyerno, sinabi ng pederal na gobyerno sa isang pahayag.
Walang sinuman sa ating bansa ang dapat makaranas ng hatred dahil sa kanilang pananampalataya,
sinabi ni Trudeau sa isang pahayag. “Ang appointment ni Bb. Elghawaby bilang kauna-unahang Special Representative on Combating Islamophobia ay isang importanteng hakbang sa ating paglaban sa Islamophobia at hatred sa lahat ng anyo nito.”
Inaasahan kong makatrabaho siya habang ipinagpapatuloy natin ang pagtataguyod ng isang bansa kung saan ang lahat ay ligtas at iginagalang,
ani Trudeau.
Inanunsyo ng pederal na gobyerno noong Hunyo na ito ay naghahanap ng isang tao na magiging unang kinatawan ng Islamophobia.
- Ano ang ibig sabihin ng Islamophobia? Ano ang itsura nito? (bagong window)
- Matapos ang pag-atake na tina-target ang mga Muslim, nagdemanda ang mga kritiko para sa ipinangakong online hate legislation (bagong window)
- Sinabi ng isang dating Muslim intelligence officer na ang sistematikong rasismo sa CSIS ay banta sa seguridad ng buong bansa (bagong window)
Sa kanyang bagong tungkulin, magbibigay si Elghawaby ng policy at legislative advice at mga proposal at magmumungkahi ng mga programa at regulasyon na magiging inclusive, ipinaliwanag sa pahayag.
Siya rin ay magiging responsable sa pagbibigay liwanag sa mga importanteng kontribusyon ng mga Muslim
sa Canada.
Ang papel ni Elghawaby ay popondohan sa pamamagitan ng prinopose na $85 milyon na budget sa susunod na apat na taon, simula 2022-23, na mag-aambag din sa bagong anti-racism strategy at national action plan ng paglaban sa hate.
Human rights advocacy
Kasalukuyang nagtatrabaho si Elghawaby bilang communications lead para sa Canadian Race Relations Foundation.
Siya ay gumradweyt mula sa journalism school ng Carleton University, kasalukuyang nagko-contribute ng isang freelance column sa pahayagan na The Toronto Star.
Dati rin siyang nagtrabaho sa Canadian labour movement na tumatalakay sa human rights issues, at ginugol ang limang taon sa pagsulong sa civil liberties sa National Council of Canadian Muslims, na natapos noong 2017.
Sinabi ng isang tagapagsalita mula sa opisina ni Diversity and Inclusion Minister Ahmed Hussen sa CBC News na siya ay mauupo para sa apat na taong termino at ang kanyang opisina ay magkakaroon ng $5.6 milyon na budget. Sinabi ng budget na ikokober ng pondo ang unang limang taon ng operasyon ng opisina.
Gagamitin ni Elghawaby ang kanyang malawak na kaalaman at karanasan bilang human rights advocate para tulungan na gabayan at i-reinforce ang mga gawain ng Canada sa pagtugon sa anti-Muslim hatred, systemic racism, racial discrimination at religious intolerance,
ani Minister Hussen sa isang pahayag.
Isang artikulo ni Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.