- Home
- Politika
- Katutubo
Canada makikipag-usap para ayusin ang First Nations child welfare compensation deal
Ang layunin ng dalawang araw na meeting sa susunod na buwan ay marating ang partial o kumpletong resolusyon

‘Every Child Matters’ sticker sa isang poste sa downtown Vancouver malapit sa Vancouver Art Gallery.
Litrato: CBC News / David Horemans
Susubukan ng Canada na i-renegotiate ang kanilang $20 bilyon na compensation package para sa mga taong naapektuhan ng First Nations child-welfare system, ayon sa mga record ng korte.
Inaasahan na sisimulan ng mga pederal na opisyal ang matinding kumpidensyal na talakayan
sa Pebrero 7 at 8 para muling baguhin ang $20 bilyon na compensation agreement na tinanggihan ng Canadian Human Rights Tribunal noong nakaraang taglagas, ayon sa isang sulat na isinumite sa Federal Court.
Sinusubukan ng gobyerno ni Prime Minister Justin Trudeau na sagipin ang multi-million dollar agreement na ito sa Assembly of First Nations noong nakaraang taon.
Nakasaad sa kasunduan na dapat bayaran ang mga batang First Nations at ang kanilang mga pamilya para sa talamak na underfunding ng on-reserve child-welfare system at iba pang serbisyong pampamilya.
Umaasa ako, pero iniisip ko rin na orihinal na sinabi ng prime minister na bibigyan niya ng bayad-pinsala ang mga batang ito noong 2019,
ani Cindy Blackstock, isang advocate ng mga batang First Nations na sinimulan ang kaso 16 na taon na ang nakalipas.
Ngunit wala ni isang sentimo ng kabayaran ang lumabas. Kaya ang pangakong magbabayad ay hindi aktuwal na kabayaran.
Kaugnay na mga ulat
Canadian Human Rights Tribunal nireject ang mahalagang parte ng child welfare agreement
Naabot ang kasunduan sa First Nations child welfare compensation
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.