1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Trudeau haharap sa premiers sa Peb. 7 para pag-usapan ang health deal: sources

Nais ng Canada na higitan ng kanilang investment ang short-term fixes, magdala ng pagbabago sa sistema

Trudeau nakaupo sa mesa at nakapangalumbaba.

Prime Minister Justin Trudeau (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Magho-host si Prime Minister Justin Trudeau ng unang ministers’ meeting sa Ottawa sa Pebrero 7 habang tinitingnan ng kanyang gobyerno ang pagpa-finalize ng isang kasunduan sa pagpopondo ng health-care sa mga probinsya, ayon sa mga source na nakausap ng CBC News.

Ang dalawang panig ay nakatali sa isang negosasyon tungkol sa pagtaas ng Canada Health Transfer (CHT) sa nakalipas na ilang buwan.

Ang mga premier ay humiling ng face-to-face meeting kay Trudeau upang kumbinsihin siya na pumayag sa isang multi-billion dollar increase sa pondo. Sinabi ng pederal na gobyerno na hindi makikipagkita si Trudeau sa kanyang provincial counterparts hanggang ang mga opisyal ay nakapag-negotiate na ng mas pinong mga detalye sa kasunduan.

Ang pagkilos ni Trudeau na magsagawa ng isang pagpupulong sa mga premier ay isang senyales na ang kasunduan ay malapit na matapos — pero may mga puntos pa rin na kailangang maresolba, ayon sa federal sources, na nagsalita sa kondisyon na hindi sila pangalanan.

Nagdedemanda ang mga probinsya ng malaking cash injection para suportahan ang sistema na pinahina ng COVID-19 at shortage ng mga manggagawa.

Sinabi ng Canada na ang kanilang investment ay dapat mahigitan ang short-term fixes para magdala ng pangmatagalang pagbabago sa isang sistema na nahaharap sa maraming hamon — sa primary care, mental health, long-term care, virtual care at data collection.

Para tumatag ang sistema, hinihiling ng mga premier sa Canada na dramatikong taasan ang halaga na ginagastos ng bansa bawat taon sa Canada Health Transfer — ang pera na ipinapadala ng pederal na gobyerno sa mga probinsya at teritoryo upang pondohan ang mga serbisyong pangkalusugan.

Nais ng mga premier na dagdagan ng Canada ang kanilang bahagi sa health-care costs mula sa kasalukuyang 22 porsyento patungo sa 35 porsyento.

Sinabi ng pederal na Liberal na gobyerno na ang 22 porsyento na numero ay hindi sumasalamin sa buong larawan ng pagpopondo.

Noong 1977, ang ilang tax points ay inilipat mula sa Canada sa mga probinsya, na pinahintulutan ang mga probinsya na kolektahin ang mas malaking bahagi ng lahat ng kinikita mula sa buwis para pondohan ang social programs tulad ng health-care. Ang tax points na iyon, sinabi ng Canada, ay dapat nagkaroon ng halaga.

Isang artikulo nina John Paul Tasker (bagong window), David Cochrane (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita