1. Home
  2. Politika
  3. Transportasyon

Mga pagbabago sa air passenger bill of rights ng Canada darating sa spring

‘Makikita mo ang mga bagong tool na ipapakilala. Mark my words,’ ani Omar Alghabra

Mga maleta sa loob ng paliparan.

Mga maleta sa Toronto Pearson Airport (archives).

Litrato: Radio-Canada / Clara Pasieka

RCI

Sinabi ni Transport Minister Omar Alghabra ngayong Martes na io-overhaul ng gobyerno ang airline passenger bill of rights bilang tugon sa claims ng mga pasahero na ang sistema ay may diperensya.

Sinabi ng mga kritiko na ang airline regulations ay hindi sapat mula nang ipakilala ito ng Liberal na gobyerno noong 2017. Hanggang ngayon, ang Canada ay bantulot na gumawa ng anumang pagbabago.

Ang major travel disruptions noong huling tag-init — at ang Christmas travel season na puno ng problema — ay ginawang malinaw na kailangan ng mga reporma para mas maprotektahan ang mga pasahero mula sa airlines na hindi naaabot ang kanilang service standards, sinabi ni Alghabra sa mga reporter sa sidelines ng federal cabinet retreat sa Hamilton.

"Stay tuned — makakakita ka ng aksyon, makikita mo ang mga bagong tool na ipapakilala. Mark my words. Nararamdaman ko ang frustration ng Canadians. Narinig ko sila. Ayaw makita ng Canadians ang mga galit na pulitiko, gusto nilang makita ang mga pulitiko na umaaksyon,” aniya.

Sinabi ni Alghabra na ang regulatory reform — at posibleng bagong batas — ay ipapakilala sa spring upang palakasin ang karapatan ng mga pasahero. Ito ay magiging isa sa mga prayoridad ng gobyerno kapag nagbalik na ang Parlamento sa susunod na linggo, aniya.

PANOORIN | Alghabra sinabi na ang kanyang opisina ‘ay gagawa ng aksyon’ sa passenger bill of rights:

Sinabi ng transport minister na nire-review ng Canada ang mga regulasyon sa ibang hurisdiksyon tulad ng European Union, kung saan ang proteksyon sa mga pasahero ay pinuri na mas consumer-friendly.

Sa European Union, ang mga airline ay responsable para sa delays at mga kanselasyon sa lahat maliban sa pinaka-extreme na mga sitwasyon — kabilang ang disruptions sanhi ng terorismo, sabotage, pagputok ng bulkan, pagsasara ng airspace at freak weather.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni John Paul Tasker (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita