- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Canada sumang-ayon na i-repatriate ang 19 na babae at batang nakakulong sa Syria
Hiniling ng mga kamag-anak ng 6 na babae at 13 bata sa korte na i-secure ng gobyerno ang kanilang release

23 Canadians ang nakakulong sa mga kampong ito, kabilang ang anim na babae, apat na lalaki at 13 bata (archives).
Litrato: Stephanie Jenzer/CBC
Isusulong ng pederal na gobyerno ang pag-repatriate sa 19 na Canadian na babae at bata na nakakulong sa hilagang-silangang Syria, sabi ng abogado.
Ang mga kamag-anak ng 23 na nakakulong na Canadians — anim na babae, apat na lalaki at 13 bata — ay hiniling sa Pederal na Korte na ipag-utos sa gobyerno na ayusin ang kanilang pagbabalik sa bansa.
Iginiit nila na ang pagtanggi na gawin ito ay isang paglabag sa kanilang Charter rights. Ang Canadians ay kabilang sa maraming dayuhan na nasa Syrian detention camps na pinagsususpetsahan na miyembro ng ISIS at kanilang mga pamilya.
Ang mga kampo ay pinapatakbo ng Kurdish forces na binawi ang rehiyon mula sa extremist group.
Sinabi ni Lawrence Greenspon, ang abogado ng mga aplikante, sa CBC na ang kasunduan ay naabot na upang i-secure ang release and return ng mga kababaihan at bata.
Ang kaso para sa apat na kalalakihan ay nasa korte pa rin, aniya.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
PANOORIN | Canada pababalikin sa bansa ang 19 na babae at bata na nakakulong sa Syria, ayon sa abogado:
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.