- Home
- Politika
- Pangprobinsiyang Politika
Trudeau ipinahiwatig na may ‘positibong’ balita sa health-care talks sa mga probinsya
‘May pangangailangan para sa mas maraming pera,’ ani Trudeau ukol sa pressures na hinaharap ng sistema
Prime Minister Justin Trudeau sa Saskatoon, Saskatchewan, Enero 16, 2023.
Litrato: La Presse canadienne / Liam Richards
Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau ngayong Lunes na umaasa siyang maianunsyo “ang mga positibong hakbang pasulong sa nalalapit na hinaharap” tungkol sa health care — iminungkahi niya na ang standoff sa pagitan ng Canada at mga probinsya ukol sa pagpopondo ng health-care ay maaaring maresolba na.
Kausap ang mga reporter sa Saskatoon matapos i-tour ang rare earth elements processing plant, sinabi ni Trudeau na ang pederal na gobyerno at ang mga premier ay nasa iisang pahina lamang
tungkol sa kung ano ang kailangan para kumpunihin ang sistema na malapit na bumagsak.
May pangangailangan para sa mas maraming pera,
ani Trudeau. May pangangailangan para sa karamihan na mag-deliver ng resulta para sa mga pamilya.
PANOORIN | Sinabi ni Trudeau na siya at ang mga premier ay nasa ‘iisang pahina’ tungkol sa health-care:
Sa kurso ng pag-uusap ng Canada at mga probinsya sa health-care funding, sinabi ni Trudeau na hindi siya mag-aalok ng anumang pera hanggang hindi pumapayag ang mga probinsya na sumunod sa ilang kondisyon.
Ang ilang premier, gaya ni Quebec Premier Francois Legault, ay hindi sumasang-ayon sa ideya ng mga kondisyon. Ang ilang probinsya, tulad ng Ontario, ay sinabi na ang punto ay hindi ang pagkabit ng mga kondisyon kung hindi ang halaga ng dolyar na nais gastusin ng Canada.
Inulit ang demand ni federal Health Minister Jean-Yves Duclos na ang anumang bagong pera na mula sa federal ay tatargetin ang limang prayoridad na areas, sinabi ni Trudeau ngayong Lunes na gusto niya na gamitin ng mga probinsya ang pera ng Canada para palawakin ang access sa primary care, pagandahin ang mental health supports at bawasan ang surgery backlogs.
Ang populasyon ng Canada ay lumalaki, salamat sa record levels ng imigrasyon. Ang populasyon ng bansa ay tumatanda rin. Ang kambal na hamon na iyon, kasama ang labour shortages kaugnay ng COVID, ang naglagay ng strain sa publicly funded health-care system ng bansa.
Para makatulong na patatagin ang sistema, humiling ang mga premier sa Canada na dramatikong itaas ang perang ginagastos nito bawat taon sa Canada Health Transfer (CHT) — ang pera na ipinapadala sa mga probinsya at teritoryo para pondohan ang mga serbisyong pangkalusugan.
Ang mga premier ay may isang bold request: gusto nila na taasan ng Canada ang kanilang share ng health-care costs mula sa kasalukuyang 22% patungong 35% — isang multi-billion dollar annual cash injection. Kung maipapatupad, tataasan nito ang halaga ng
CHT mula $28 bilyon kada taon sa $45.2 bilyon.Sinabi ng pederal na gobyerno na ang 22% figure ay hindi sumasalamin sa buong funding picture.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni John Paul Tasker (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.