1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Marcos Jr. sinabi kay Xi na layunin niyang isulong ang malayang foreign policy

Nagbalik na sa Pilipinas si Marcos Jr. mula sa 3 araw na state visit sa Tsina

Magkatabing naglalakad sina Ferdinand Marcos Jr. at Xi Jinping.

Sa larawang ito na inilabas ng Xinhua News Agency, si Philippine President Ferdinand Marcos Jr., kanan, ay naglalakad kasama si Chinese President Xi Jinping matapos i-review ang honor guard sa welcome ceremony sa Great Hall of the People sa Beijing, Miyerkules, Enero 4, 2023.

Litrato: AP / Shen Hong

RCI

Sinabi ni Philippine President Ferdinand Marcos Jr. ngayong Huwebes na ibinahagi niya sa kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping na layunin ng kanyang administrasyon na isulong ang isang malayang foreign policy.

Binigyang-diin ko kay President Xi na layunin ng aking administrasyon na isulong ang isang independent foreign policy, na tayo ay more than willing na makipag-cooperate whenever possible sa paghahangad ng kapayapaan sa rehiyon at sa pambansang interes ng aming dalawang bansa, sinabi niya sa kanyang arrival speech sa Maynila kasunod ng pagbisita sa Beijing ngayong Huwebes.

Lumipad ang pangulo sa Tsina noong Martes para sa tatlong araw na state visit. Inaasahan na mapag-uusapan sa kanyang pagbisita ang isyu tungkol sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at Tsina sa South China Sea.

Kini-claim ng Tsina virtually ang buong South China Sea at hindi pinansin ang 2016 ruling ng tribunal sa The Hague na pinabulaanan ang claims ng Beijing sa naturang teritoryo sa karagatan. Ang kaso ay isinampa ng Pilipinas, na sinabi na dinebelop ng Tsina ang pinag-aagawan na reefs sa artificial islands na may airplane runways at iba pang istruktura kaya ito ngayon ay kahawig ng mga base militar.

Bukod dito, kasama rin ni Marcos Jr. ang isang malaking business delegation upang hingin ang kooperasyon ng Tsina sa iba’t ibang area kabilang ang agrikultura, enerhiya, imprastraktura, kalakalan at pamumuhunan, at people-to-people exchanges.

Ayon sa press release ng Office of the Press Secretary ng Gobyerno ng Pilipinas, nasaksihan ng Maynila at Beijing ang paglagda sa 14 na bilateral agreements na palalawakin at palalalimin ang ugnayan ng dalawang bansa sa maraming vital areas.

Sinabi rin ng ahensya na nakakuha si Marcos Jr. ng USD 22.8 bilyon na halaga ng investment pledges mula sa Chinese companies na dumalo sa mga pagpupulong.

Isang artikulo ng Reuters na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita