- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Marcos Jr. nagtungo sa Tsina sa gitna ng agawan ng teritoryo sa South China Sea
Lumipad patungong Tsina si PH President Ferdinand Marcos Jr. ngayong Martes

Ang presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr., kanan, kumakaway katabi ang asawa na si Maria Louise habang pasakay ng eroplano patungong Tsina noong Enero 3, 2023 sa Villamor Air Base sa Maynila.
Litrato: AP / Aaron Favila
Lumipad ang pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. sa Tsina ngayong Martes para sa tatlong araw na state visit, sinabing inaabangan niya ang pagpupulong kay Chinese leader Xi Jinping habang sinisikap nilang palakasin ang bilateral ties.
Sa pag-alis ko papuntang Beijing, bubuksan ko ang bagong chapter sa ating komprehensibo, estratehikong kooperasyon sa Tsina,
sinabi niya sa mga opisyal at diplomatiko, kasama ang ambasador ng Tsina, bago sumakay ng eroplano mula sa isang air base sa kapitolyo ng Pilipinas.
Inaabangan ko ang pagtatagpo namin ni President Xi habang tinatrabaho namin ang pag-shift ng trajectory ng aming relasyon sa mas mataas na gear na inaasahan kong magdadala ng maraming prospects at masaganang mga oportunidad para sa kapayapaan at development para sa mga mamamayan ng aming mga bansa,
dagdag pa niya.
Tungkol sa agawan ng teritoryo ng dalawang bansa sa South China Sea, sinabi ni Marcos Jr. na inaabangan niya ang pag-uusap tungkol sa bilateral at regional na mga isyu sa politika at seguridad.
Ang mga isyu sa pagitan ng aming dalawang bansa ay mga problema na hindi kabilang sa pagitan ng dalawang magkaibigan tulad ng Pilipinas at Tsina,
dagdag pa niya. Tayo ay hahanap ng solusyon sa mga isyung iyon kung saan parehong makikinabang ang aming dalawang bansa.
Kini-claim ng Tsina virtually ang buong South China Sea at hindi pinansin ang 2016 ruling ng tribunal sa The Hague na pinabulaanan ang claims ng Beijing sa naturang teritoryo sa karagatan. Ang kaso ay isinampa ng Pilipinas, na sinabi na dinebelop ng Tsina ang pinag-aagawan na reefs sa artificial islands na may airplane runways at iba pang istruktura kaya ito ngayon ay kahawig ng mga base militar.
Kamakailan, iniulat ng isang Pilipinong military commander na puwersahang kinuha ng Chinese coast guard ang Chinese rocket debris na nakuha ng Filipino navy personnel sa South China Sea noong nakaraang buwan.
Itinanggi ng Tsina ang puwersahang pagkuha rito. Sinabi ni Marcos Jr. na hihingi siya ng klaripikasyon sa kanyang pagbisita sa Beijing.
Kasama ang isang malaking business delegation, sinabi ni Marcos Jr. na hihingi sila ng kooperasyon sa iba’t ibang area kabilang ang agrikultura, enerhiya, imprastraktura, kalakalan at pamumuhunan, at people-to-people exchanges. Inaasahan daw nila ang mahigit 10 key bilateral agreements sa pagbisita na ito.
Ang Tsina ang nag-a-account para sa 20% ng foreign trade ng Pilipinas at isa ring pangunahing source ng foreign direct investment.
Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.