1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Car Industry

GM kinonvert ang CAMI plant sa Ingersoll, Ont., para gumawa ng electric delivery vans

400 na trabaho sa launch pero ang bilang na iyon ay inaasahan na lalago

Ang BrightDrop Zevo 600 sa launch event na ginanap sa planta.

Ang unang BrightDrop Zevo 600 ay lumabas sa linya ng CAMI plant ng General Motors ngayong Lunes.

Litrato: Radio-Canada

RCI

Ang General Motors plant sa Ingersoll, Ont., ay kinonvert sa isang assembly line para sa electric delivery vans, ginawa ito na unang full-scale electric vehicle-making facility sa Canada.

Ang unang BrightDrop Zevo 600 ay lumabas sa linya ng CAMI plant ngayong Lunes, minarkahan ang muling pagbubukas ng pasilidad na panandaliang isinara noong Mayo upang baguhin mula sa paggawa ng internal combustion engines patungo sa paggawa ng electric vehicles.

Kami ay fully committed sa isang all-electric future, sinabi ni GM Canada president Marissa West sa isang interbyu ng CBC News. Nakikita talaga namin ang isang mataas na customer demand.

Ang mga kinatawan ng probinsyal at pederal na gobyerno, na kapwa nag-ambag ng $259 milyon upang tulungan ang automaker na i-upgrade ang pasilidad, ay nasa media event na ipinagdiwang ang opening. Ang total price tag para sa upgrade ng pasilidad ay $1 bilyon, sinabi na dati ng GM (bagong window).

Ang BrightDrop ay isang unit ng GM na nagpopokus sa paggawa ng delivery vehicles para sa commercial customers, hindi mga pasahero. Bago ang CAMI upgrading, ang GM ay gumagawa ng BrightDrop vans sa limitadong basis sa isa pang pasilidad sa Michigan.

Ang ibang electric vehicles ay ginagawa rin sa limitadong basis sa Canada, pero wala sa scale na pinaplano ng GM sa paglulunsad ng BrightDrop.

Lumalaking merkado

Bagama’t niche sa ngayon, ang electric vehicles ay nag-ookupa ng mas maraming espasyo sa mga kalsada ng Canada. Hanggang limang porsyento ng lahat ng sasakyan sa Canada ay fully electric o hybrid, at ang ratio na iyon ay inaasahan na tataas sa mga susunod na taon.

Pagsapit ng 2035, iginiit ng gobyerno na lahat ng bagong sasakyan sa Canada ay magiging electric (bagong window), isang ambisyosong target na wala pang 12 taon mula ngayon, pero ang anunsyo ngayong Lunes ay dinala iyon papalapit ng isa pang hakbang.

PANOORIN | GM Canada kung bakit ang kinabukasan ay electric:

Ayon kay West, ang GM ay may katulad na timeline para sa kanilang mga operasyon sa buong mundo, pino-forecast ng kompanya na ang kanilang buong global fleet ay magiging malaya mula sa tailpipe emissions pagsapit ng 2035.

Sinabi ni Jacquie Richards, ang quality launch manager sa pasilidad, na ang kinabukasan ay nandito na, pagdating sa mga electric vehicle.

Ang vehicle mismo, ang BrightDrop Zevo 600, ay pangunahing gagamitin ng commercial customers kasama ang FedEx, Walmart, DHL, Verizon at iba pa.

Excited ako na makita ang mga sasakyang ginagawa namin na mag-deliver ng mga package sa aming komunidad, ani Richards.

Ang produksyon ay mabagal na magsisimula, ilang libong sasakyan lamang kada taon, pero inaasahan na magra-ramp up sa 50,000 kada taon pagsapit ng 2025.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita