1. Home
  2. Lipunan
  3. Paglahok sa Komunidad

Asosasyon ng mga Pilipino sa Timmins, Ont. nagdiwang ng unang Pasko

May 200 na mga Pilipino na nakatira sa bayan ng Timmins sa probinsya ng Ontario

Mga lalaki at babae nakatayo sa tabi ng isang malaking Christmas tree.

Si Estela Chow at ang kanyang team ay naglalagay ng finishing touches para sa Christmas party na naganap noong weekend.

Litrato: Amanda Rabski-McColl//TimminsToday

RCI

Ang Filipino Association ng Timmins ay nag-host ng kanilang unang Christmas party mula nang maging opisyal na non-profit organization.

Bago ang naturang party sinabi ni Estella Chow, na nag-ayos ng event, Ang mga tao ay maaaring i-expect ang lahat ng bagay.

Sinabi ni Chow na ang Christmas party, na naganap noong Sabado, Disyembre 3, sa Senator Hotel ganap na alas-sais ng gabi, ay bukas sa lahat ng tao at kabilang ang mga mananayaw, musika, mga raffle, at maraming pagkain.

Ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay nagsisimula ilang buwan bago ang Disyembre kasama ang mga ilaw at tradisyonal na mga dekorasyon, ngunit dahil karamihan ng mga tao sa Pilipinas ay Katoliko, ang relihiyosong parte ng holiday ang sentro.

Sinabi ni Chow na in-adapt nila ang maraming Western traditions tulad ng nutcrackers at iba pang bagay na iniuugnay sa Pasko.

Kailangan mong mag-adapt, sinabi niya habang hinahanda ang kasuotan ni Santa para sa event noong Sabado.

Ang party ay isang paraan upang dalhin ang maliit na parte ng tahanan sa mga bagong dating sa Canada, mula sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo, at tulungan silang makapagtaguyod ng roots sa komunidad.

Mahirap kapag napalayo ka mula sa iyong pamilya, ani Chow. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay hindi kailangan na makulong lang sa kanilang apartment, puwede silang lumabas!

Ang asosasyon ay nag-host ng mga picnic at ng kanilang unang Fiesta sa Timmins ngayong taon, at patuloy nilang sinusuportahan ang mga taong dumadating sa Timmins mula sa Pilipinas kailangan man nila ng tulong o ng isang friendly face.

Mas marami kaming magagawa para sa aming komunidad sa ganitong paraan, ani Chow tungkol sa pagiging not-for-profit at ang kakayahan na lumikom ng pondo. At mabuti na gumawa ng mas malaking bagay para sa komunidad.

Sinabi niya na ang asosasyon ay naghahanda rin ng mga gift bag para sa mga nangangailangan at iba pang charitable work sa komunidad ang ipamamahagi.

Sinabi ni Chow na katulong nila ang Living Space at Good Samaritan sa proyekto na ito, pati ang pagkuha ng pagkain para sa mga taong nangangailangan nito sa susunod na buwan.

Isang artikulo ni Amanda Rabski-McColl, TIMMINSTODAY.COM na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita