- Home
- Kapaligiran
- Car Industry
Trudeau, Ford mamarkahan ang EV manufacturing ’milestone’ sa Ingersoll, Ont.
Dinedebelop ng GM ang 1st full-scale electronic vehicle production facility ng Canada sa Ont.

Ontario Premier Doug Ford, kaliwa, at si Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Litrato: La Presse canadienne / Nathan Denette
Nakaiskedyul si Prime Minister Justin Trudeau na mag-anusyo ngayong hapon sa timog-kanlurang Ontario tungkol sa paggawa ng electric vehicle.
Si Trudeau ay sasamahan ni Ontario Premier Doug Ford at ni Economic Development Minister Vic Fedeli ng probinsya.
Sinabi sa itinerary ni Trudeau na ang anunsyo ay mamarkahan ang isang milestone sa paggawa ng electric vehicle.
Ang bayan ng Ingersoll ay tahanan ng General Motors CAMI production plant, na inanunsyo ng automaker noong Abril na babaguhin sa pagtatapos ng taon upang gawing unang full-scale commercial electric vehicle production facility ng bansa.
Ang probinsyal at pederal na mga gobyerno ay kapwa nag-invest ng $259 milyon sa naturang proyekto at plano ng GM na gawin ang planta nito sa Oshawa, Ont. na EV-ready.
Layunin ng Canada na ipagbawal ang pagbebenta ng bagong internal-combustion engines sa mga passenger vehicle pagsapit ng 2035.
Kaugnay na mga ulat
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.