- Home
- Ekonomiya
- Krisis sa Pagkain
Inaasahan mo bang hihinto sa pagtaas ang presyo ng pagkain sa susunod na taon?
Huwag kang umasa.

Nakita ng Canadians na tumaaas ang kanilang grocery bills sa pinakamabilis na pace on record ngayong taon. Isang bagong report ang nagsasabi na ang mga mamimili ay hindi dapat umasa na makakaranas ng ginhawa sa susunod na taon.
Litrato: CBC News / Evan Mitsui
Ang tipikal na food bill ng isang pamilya para sa susunod na taon ay hinulaan na tataas ng mahigit $1,000 ayon sa 2023 Food Price Report, isang taunang publikasyon ng mga Canadian na mananaliksik na tinitingnan ang factors sa buong supply chain upang subukang hulaan kung ano ang magiging gastos sa paglalagay ng pagkain sa mesa.
Habang ang kabuuang inflation rate ng Canada ay nasa walong porsyento noong tag-init, ang presyo ng pagkain ay naging higit pa sa pace na iyon, na naabot ang 10.1% annual gain sa pagtatapos ng Oktubre.
At lahat ng mga factor na sanhi ng pag-ispaik ng food bills noong nakaraang taon ay inaasahan na mananatili.
Wala talagang ligtas na lugar sa grocery store,
ani Sylvain Charlebois, isang propesor ng food nutrition sa Dalhousie University na pinamunuan ang research team.
Hindi ka talaga makakakita ng any sort of immunity laban sa food inflation ngayon.
Narito kung gaano ang itataas ng presyo ng ilang uri ng pagkain sa isang taon.
Ang babayaran mo para sa mga pagkain na ito sa susunod na taon.
Litrato: Canada Food Price Report
Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.