1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Canada pinaluwag ang patakaran para sa mga pamilya ng foreign workers

Layunin ng aksyon na ito na makatulong sa labour shortage na laganap sa Canada

Mga lalaki nasa harap ng podium.

Federal Immigration Minister Sean Fraser, kaliwa, at Tourism Minister Randy Boissonnault (archives).

Litrato: Radio-Canada / David Bajer

RCI

Pahihintulutan ng Canada ang mga miyembro ng pamilya ng temporary foreign workers na magtrabaho simula sa susunod na Enero.

Naniniwala ang pederal na gobyerno na ang pagdating ng mga manggagawa ay makakatulong sa paglutas ng labour shortage sa services, tourism at health sectors, at iba pa. Ang hakbang ay inaasahan na magtatagal sa loob ng dalawang taon.

Ayon sa Canada, ang mga pamilya ng humigit-kumulang 200,000 foreign workers ay maaapektuhan ng pagluwag na ito.

Ang anunsyo ay ginawa noong Disyembre 2 sa Edmonton ni federal Immigration Minister, Sean Fraser, at ni Tourism Minister, Randy Boissonnault.

Ayon sa Canada, may tinatayang isang milyong bakanteng trabaho sa buong bansa.

Ang balita ay bibigyan ng kaluwagan ang ilang employer na nangangailangan ng mga manggagawa, ani Randy Boissonnault, ang federal tourism minister.

Para kay Sean Fraser, Immigration Minister, ang realidad ay simple: kailangan ng Canada ang mas maraming tao. Kailangan natin ng mas maraming tao para sa economic, demographic at social reasons, aniya.

Ayon kay Fraser, ang pagluwag na ito ay gagawing mas compassionate ang immigration system, dahil maiiwasan ang paghihiwalay ng foreign workers mula sa kanilang mga pamilya kapag nagpunta sila sa Canada upang panandaliang magtrabaho.

Tiniyak ni Sean Fraser na siya ay malapit na makikipagtulungan sa mga probinsya upang subukan na pagaanin ang labour shortage.

Ang bagong hakbang ay ia-apply sa tatlong phases. Simula Enero 2023, ang mga asawa at working-age na mga anak ng temporary foreign workers ay maaaring kumuha ng work permit sa Canada.

Ang hakbang ay maaari rin ma-extend sa mga pamilya ng temporary foreign workers sa sektor ng agrikultura.

Isang artikulo ng Radio Canada na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita