- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Libreng rapid COVID-19 tests magiging available sa Ontario hanggang Hunyo 2023
Ang aksyon ay dumating habang ang RSV, flu at COVID-19 ay naglalagay ng strain sa pediatric hospitals

Mga halimbawa ng rapid antigen test na gawa ng U.S. medical devices company na Abbott, isa sa apat na rapid test na available sa Ontario.
Litrato: CBC News / Robert Short
In-extend ng Ontario ang isang programa na nagbibigay ng libreng rapid tests para sa COVID-19 hanggang sa katapusan ng Hunyo sa susunod na taon.
Ang programa ay nagbibigay ng rapid antigen tests sa mga lugar tulad ng grocery stores at pharmacies.
Ito ay dati nang na-extend noong tag-init hanggang Disyembre 31.
Sinabi ni Health Minister Sylvia Jones na ang programa ay mae-extend hanggang Hunyo 30, 2023.
Ang aksyon ay dumating habang ang kombinasyon ng RSV, flu at COVID-19 ay naglalagay ng matinding strain sa pediatric hospitals sa buong Ontario.
- Magpaturok ng flu shot, paghikayat ng top doctor ng Toronto habang ang influenza rates ay tumataas bago mag-holiday season (bagong window)
- Ontario air ambulance service nakikita ang pagtaas ng child patient transfers habang nasa ilalim ng pressure ang mga ospital (bagong window)
Ang mga eksperto sa infectious disease ay hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga bata edad lima pababa, na magpabakuna laban sa COVID-19 at influenza bago mag-holiday season.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.