- Home
- Politika
- Pangprobinsiyang Politika
Trudeau sinabing mas pressing ang mga ekonomikong isyu kaysa sa Alberta Sovereignty Act
Tinawag ng isang minister ang proposed legislation na isang ‘atake sa pambansang pagkakaisa’
Prime Minister Justin Trudeau (archives)
Litrato: La Presse canadienne / Heywood Yu
Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na siya ay mananatiling nakapokus sa trabaho at cost of living para sa mga taga-Alberta ngayon na nagpanukala ang probinsyal na gobyerno ng isang kontrobersyal na lehislasyon na tinawag ng isang federal minister na banta sa pambansang pagkakaisa.
Ang Alberta Sovereignty Within a United Canada Act — na ipinanukala noong Martes sa lehislatura ng Alberta — ay ang sentro ng kampanya ni Premier Danielle Smith para sa pamumuno ng governing United Conservative Party ngayong taglagas.
Inilalarawan ng bill kung paano pinaplano ng gobyerno ng Alberta na tanggihan ang pagpapatupad ng pederal na lehislasyon, mga polisiya at programa na napagdesisyunan nitong makakasama
sa interes ng Alberta o lumalabag sa dibisyon ng kapangyarihan sa Konstitusyon. Bibigyan din nito ng bagong kapangyarihan ang gabinete ni Smith upang i-bypass ang legislative assembly at mag-isang amyendahan ang mga batas ng probinsya.
- Alberta sovereignty act bibigyan ang gabinete ng unilateral powers para baguhin ang mga batas (bagong window)
- Alberta premier itinabi ang unvaccinated rights bill, tinulak ang mga organisasyon na i-drop ang mandates (bagong window)
Nitong mga nakalipas na linggo, tinawag ni Smith ang proposed law na isang constitutional shield
para protektahan ang mga taga-Alberta mula sa napagtanto nitong panghihimasok ng pederal na gobyerno sa hurisdiksyon ng probinsya.
Hindi nagbigay si Trudeau ng opinyon tungkol sa lehislasyon nang tanungin ukol dito noong Martes ng hapon bago ipinanukala ang bill. Sa halip, sinabi ng prime minister na mananatili siyang nakapokus sa trabaho at ekonomiya.
Diyan nakapokus ang Albertans, diyan ako mananatiling nakapokus,
sabi ni Trudeau sa mga reporter sa labas ng House of Commons.
Sa palagay ko nakuha natin ang kanilang atensyon,
ani Smith sa isang press conference matapos i-table ang bill, nang ilarawan ang reaksyon ng Canada.
Umaasa ako na nakapagparating tayo ng mensahe sa Canada na masigasig nating ipagtatanggol ang ating areas of jurisdiction and they should just butt out.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Bahagi ng artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.