1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Real estate

Bakit ang buyers sa Ontario ay bumibili ng investment properties sa Calgary

Ang trend ay nauwi sa surge ng out-of-province real estate agents na nagiging lisensyado sa Alberta

Close up na kuha ni Kyle Dovigi.

Kyle Dovigi, isang Toronto-based real estate broker, ay isa sa mga Ontarian na naging lisensyado upang mag-trade ng real estate sa Alberta ngayong taon.

Litrato: Kyle Dovigi

RCI

Ang mga buyer sa Ontario ay bumibili ng investment properties sa Calgary.

Nitong mga nakaraang taon, ang siyudad ay nakakita ng ispaik sa out-of-province homebuyers na bumibili ng mga property na puwede nilang paupahan, ang primary motivator nila ay ang murang real estate kung ihahambing sa ibang lugar.

Ang presyo sa Toronto at sa iba pang siyudad ay hindi kayang abutin, hindi lang para sa end users pero para rin sa investors, ani Kyle Dovigi, isang real estate broker na nakabase sa Toronto na mina-market ang sarili bilang Condo Millionaire at pangunahing nakikitungo ukol sa investment properties.

Kaya tumitingin ang mga tao sa labas ng kanilang market [at] ang Calgary ay isang napaka-appealing na market. Sa isang banda, ang out-of-province real estate speculation ay may potential na pataasin ang mga presyo para sa would-be homebuyers na aktuwal na nakatira sa Calgary.

Sa isa pang banda, ang trend ay maaaring i-view bilang vote of confidence sa ekonomiya ng Alberta — at isang source ng kinakailangan na rental properties sa lalong humihigpit na market.

Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita