1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Pilipina na doktor ginawang tahanan ang Canada para makasama ang pamilya

Ang kuwento ng isang imigrante na ginawang tahanan ang Sudbury

Nakasalamin at nakangiti si Dr. Angelita Sanchez na nakatayo sa labas ng gusali.

Tinatawag na ni Dr. Angelita Sanchez ang Sudbury na kanyang tahanan.

Litrato:  CBC News / Markus Schwabe

RCI

Habang pumapasok sa medical school si Dr. Angelita Sanchez sa Pilipinas, na-realize niya na ang Canada ay puwede niya maging bagong tahanan.

Ang kanyang kapatid na lalaki at babae ay nag-migrate sa Canada para makamtan ang mas magandang buhay, at kinalaunan si Sanchez ay nagdesisyon na lumipat din para mapalapit sa kanila.

Bago siya nagtungo sa Canada, nakita ni Sanchez ang politikal na pagbabagong pinagdaanan ng Pilipinas.

Iyon ay isang panahon kung saan si [Ferdinand] Marcos ay nakaupo sa kapangyarihan, aniya.

Nakita ko ang politikal na pag-aalsa sa Maynila na sentro ng politikal na rehimen.

Noong panahon na iyon, narinig niya ang kuwento ng mga taong naging biktima ng martial law, kasama ang mga nabilanggo o naglaho. Noong panahon din na iyon, maraming nagmamartsa sa kapitolyo, at sinabi ni Sanchez na siya ay nagpapasalamat na pinili niyang pumasok sa klase.

Sa palagay ko ang aking edukasyon at dedikasyon sa aking pamilya ang nagligtas sa akin mula sa pambobomba ng mga kanyon ng tubig, aniya.

Maraming natatakot dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari.

Pagpunta sa Canada

Sinabi ni Sanchez na isang mahirap na desisyon ang mag-migrate sa Canada, bagama’t ginawa niya iyon para mapalapit sa kanyang pamilya. Siya at ang kanyang mga magulang ay naghanda na umalis.

Talagang literal na in-empty namin ang aming bahay, aniya.

Kumuha kami ng malaking container sa isang barko para dalhin ang lahat kasama ang mga lamesa at silya.

Sinabi ni Sanchez na umupa siya sa Toronto noong una. Sinabi rin niya na nag-aral siya sa Pilipinas ng Ingles, pero ang pag-a-adjust sa buhay sa Canada ay isang hamon.

Ang weather ay isa sa mga shock factors dahil malamig, aniya.

Naalala ko dumating kami sa Canada buwan ng Enero.

Mga 15 taon na ang nakalipas, umalis si Sanchez sa Toronto upang gawing tahanan ang Sudbury. Ngayon, siya ay isang pediatric psychiatrist sa Health Sciences North at naging presidente ng Filipino Canadian Association of Sudbury.

Sinabi ni Sanchez na ikinagagalak niyang maging bagong tahanan ang Sudbury.

May mga tao na gusto ang snow pero sinusubukan ko pa rin na mahalin ito, natatawang sabi niya.

Sa tingin ko ang Sudburians ay natural na mabait at mabubuting tao.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita