1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Programa sa Nova Scotia tumutulong sa newcomers na makapasok sa Canadian workforce

Mahigit 500 katao ang nakinabang mula sa FAST program mula nang itaguyod ito taong 2019

Ang logo ng Immigrant Services Association of Nova Scotia sa harap ng gusali.

Ang Facilitating Access to Skilled Talent program, o FAST, ay nagsimula noong 2019 at nakatulong na sa mahigit 500 newcomers na magkaroon ng skills para makakuha ng trabaho sa Canada.

Litrato:  CBC News

RCI

Isang lumalagong programa ng Immigrant Services Association of Nova Scotia (ISANS) ang nagbibigay ng oportunidad sa mga newcomer o mga bagong dating sa Canada na matuto ng mas maraming skills bago makapasok sa Canadian workforce.

Maraming newcomers ang nahihirapan na makakuha ng credentials na kanilang kailangan, kaya ang ahensya ay nagsisikap na tugunan ang gap na ito sa pamamagitan ng Facilitating Access to Skilled Talent program, o FAST.

Ang programa ay nagsimula noong 2019, at nakatulong na sa mahigit 500 katao na matuto ng skills — kasama si Saeed Fallahtafti, na nag-migrate sa Nova Scotia mula sa Iran noong taon din na iyon.

Noong nakaraang Huwebes, nakausap ni Jeff Douglas ng programang Mainstreet ng CBC Radio si Fallahtafti tungkol sa kanyang karanasan sa programa.

Bahagi ng artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita