1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Renewable Energies

Bakit hindi maalis ng remote communities ang diesel at lumipat sa renewable energy?

Nakadepende pa rin sa diesel ang malalayong komunidad sa Canada para sa kuryente

Malalaking tangke ng gasolina sa isang lugar na nababalot ng niyebe.

Ang mga tangke ng gasolina sa baybayin ang nagtatago ng diesel para manatili ang kuryente sa Iqaluit.

Litrato:  CBC News / Kyle Bakx

RCI

Nahaharap ang Canada sa isang malaking hamon na wakasan ang pagdepende sa diesel sa mga isolated na bayan at panatilihing nakasindi ang ilaw.

Maraming renewable energy projects ang iminungkahi sa iba’t ibang parte ng Nunavut, pero ang teritoryo ay nagsisilbing paalala kung gaano kalaki ang hamon na kinakaharap ng bansa upang i-decarbonize ang malalayong komunidad.

Hanggang ngayon, nananatili ang teritoryo na halos nakadepende ng buo sa pag-angkat ng diesel para sa kuryente at heating bilang parte ng isang energy system na hindi abot-kaya at hindi maasahan, habang ito rin ay isang major source ng polusyon.

May mahigit 200 na malalayong komunidad sa Canada na hindi konektado sa electricity grid.

Sa halip, ang karamihan ay umaasa sa diesel upang tumakbo ang isang maliit na network ng mga linya ng kuryente sa bayan kaysa sa mas malaking regional grid.

May layunin ang pederal na gobyerno ng Canada na alisin ang electricity generation na pinapatakbo ng diesel sa remote communities pagsapit ng 2030, na ikinagagalak ng maraming eksperto, bagama’t sinasabi nila na ito ay hindi kayang abutin dahil sa kasalukuyang progreso at kung gaano kadami ang imprastraktura na kinakailangan.

Basahin ang artikulong Flipping the Switch ng business reporter ng CBC na si Kyle Bakx. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita