- Home
- Politika
- Pangprobinsiyang Politika
Fees para sa licensed daycare sa Nova Scotia bababa pa ng 25% sa Disyembre 31
Ang reduction ay pinondohan sa pamamagitan ng $605M child-care agreement na pinirmahan ng probinsya at Canada

Mga bata sa isang daycare sa Canada (archives).
Litrato: CBC/Radio-Canada
Ang fees para sa mga magulang sa Nova Scotia na may anak sa regulated daycares ay mas bababa ng 25% simula Disyembre 31.
Sinabi ni Education and Early Childhood Development Minister Becky Druhan na ang bagong pagbaba sa fees ay nagbi-build on sa 25% na reductions na naging epektibo noong Abril 1.
Sinabi ni Druhan na kasama sa anunsyo ngayong Lunes, ang daycare fees sa 2023 ay magiging 50% na mas mababa, on average, kumpara noong 2019 para sa mga sanggol, toddler at preschooler.
- 'Long overdue': Nova Scotia early childhood educators tumaas ang suweldo (bagong window)
- N.S. nangako na lilikha ng 1,500 na bagong daycare spaces sa pagtatapos ng 2022 (bagong window)
Sinabi niya na ang mga magulang na may anak sa daycare ay magbabayad ng $23 less kada araw, o humigit-kumulang $6,000 less kada taon, idinagdag pa na 3,000 pamilya na gumagamit ng child-care subsidy program ng probinsya ang makikita ang kanilang fees na magiging sa zero.
Ang pagbaba ay pinondohan sa pamamagitan ng $605 milyon na child-care agreement na pinirmahan ng probinsya kasama ang Canada noong 2021.
Sa ilalim ng kasunduan, ang Nova Scotia ay makakatanggap ng 9,500 na daycare spaces na magkakahalaga ng average na $10 kada araw pagsapit ng Marso 2026.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.