1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Katutubo

Trudeau bibisitahin ang First Nation sa Saskatchewan na niyanig ng pananaksak

Trudeau makikipagkita sa mga lider, community members ng James Smith Cree Nation

Nakayuko si Justin Trudeau at may malungkot na expression sa kanyang mukha.

Makikipagkita si Prime Minister Justin Trudeau sa mga lider, community members ng James Smith Cree Nation ngayong Lunes.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Bibisita si Prime Minister Justin Trudeau sa First Nation sa Saskatchewan na niyanig ng isang nakamamatay na stabbing rampage halos tatlong buwan na ang nakaraan.

Si Trudeau ay pupunta sa James Smith Cree Nation ngayong araw para makipagpulong sa mga lider at mga miyembro ng komunidad.

Ang pananaksak na naganap noong Setyembre 4 ay iniwang patay ang 10 katao at 18 ang sugatan sa kalapit na komunidad ng bayan ng Weldon, Sask., hilagang-silangan ng Saskatoon.

Si Myles Sanderson, 32-anyos, ang suspect sa mga pag-atake, ay namatay kinalaunan sa kustodiya ng pulis, na dinala ang death toll sa 11.

Pinalakas ng insidente ang mga panawagan para sa Indigenous-led policing, at nangako si Public Safety Minister Marco Mendicino na magtatrabaho 24 oras upang maipanukala ang isang lehislasyon ngayong taglagas na idedeklara ang Indigenous policing bilang essential service.

Isa si James Smith Cree Nation Chief Wally Burns sa mga boses na nananawagan para sa tribal policing, at sinabi rin na kailangan ng pondo ng komunidad para sa housing, lalo na para sa mga ayaw umuwi na miyembro ng pamilya ng mga napatay na biktima.

Binisita ni Governor General Mary Simon ang sementeryo sa Saskatchewan noong Setyembre 28 kung saan ang karamihan ng mga biktimang napatay sa rampage ay inilibing, tumigil siya ng ilang minuto sa bawat libingan.

Tumigil din siya ng 10 minuto sa isang ditch kung saan namatay ang beterano na si Earl Burns sa kanyang school bus na rumolyo sa kalsada matapos siyang atakihin.

Sinabi ng chief coroner ng Saskatchewan na dalawang public inquests ang magaganap ukol sa stabbing rampage — ang isa ay nakapokus sa 11 na napatay, at ang isa ay magpopokus sa pagkamatay ni Sanderson sa kustodiya ng pulis.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita