- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
1 milyong bote ng pambatang gamot sa pananakit, lagnat darating sa Canada
Inanunsyo ng pederal na gobyerno ang mga shipment ng foreign supply na pagagaanin ang medication shortage

May shortage sa supply ng children's pain at fever medications sa Canada.
Litrato: CBC News / Ben Nelms
Nag-import ang Canada ng isang milyong bote ng foreign-produced na children's pain and fever medication upang makatulong ibsan ang ilang buwan ng shortage, ang mga produkto ay inaasahan na magsisimulang dumating sa mga estante ng tindahan sa susunod na linggo, inanunsyo ng mga pederal na opisyal ngayong Biyernes.
Ang kombinasyon ng RSV, flu at COVID ay matinding tinamaan ang ating bansa, at ang mga gamot na ito ay maaaring makatulong sa paggamot ng ilang sintomas na sanhi ng mga virus na ito,
ani Dr. Supriya Sharma, ang chief medical officer ng Health Canada.
Ine-explore ng Health Canada ang lahat ng levers na nasa disposal nito upang makatulong na pagaanin ang sitwasyon.
Ang foreign supply ay nagsimula ng pumasok sa bansa, aniya. Ang gamot ay inaasahan na darating sa mga tindahan early next week
parehong kasama ang liquid ibuprofen at liquid acetaminophen, na ginawa para sa mga bata.
Sinabi ng mga opisyal na ang manufacturers ay dinagdagan ang produksyon sa record levels, pero na-outpace ng demand ang supply.
Ang mga shipment ay darating habang maraming Canadian pediatric hospitals ang nahihirapan pa rin sa mataas na lebel ng mga pasyente na nilalabanan ang respiratory viruses.
Sa national level, ipinapakita ng lab tests na walong porsyento ng mga test ang bumabalik na positibo para sa RSV at 16 porsyento para sa influenza.
Ang parehong virus ay may malaking impact sa mga bata,
ani Dr. Theresa Tam, ang chief public health officer ng Canada.
PANOORIN | Sa loob ng isa sa pinakamalaking children’s hospital sa Canada sa gitna ng fall surge:
Pediatricians hinihikayat ang mga pamilya na magpa-flu shot
Hinihikayat din ng Canadian Paediatric Society ang mga pamilya na siguraduhin na lahat ng tao sa kanilang tahanan ay nabakunahan laban sa flu.
Sinabi ng organisasyon na ang mga bata na wala pang limang taon at ang mga may chronic health conditions ay mas likely na maoospital kapag nagkaroon sila ng flu.
Nitong unang bahagi ng linggo, iniulat ng public health officials na nagsimula na ang flu epidemic (bagong window), ang level ng influenza ay mas mataas kaysa sa mga nagdaang taon.
Inirerekomenda ng Canadian Paediatric Society at National Advisory Committee na lahat ng bata anim na buwan pataas ay dapat maturukan ng taunang influenza vaccine.
Sinabi rin ng ahensya na ligtas ang magpaturok ng influenza at iba pang bakuna nang magkasabay.
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula kay Lauren Pelley, The Canadian Press