1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Ano ang RSV, isang virus na nauuso sa mga bata sa Canada

Ang mga kaso ng respiratory syncytial virus ay tumataas sa ilang parte ng Canada

Kamay ng matanda hawak ang kamay ng isang sanggol.

Habang ang karamihan ng kaso ng RSV ay nauuwi sa simpleng sipon, ang mga bata na wala pang dalawang taon ay nanganganib na magkaroon ng malalang sakit tulad ng bronchiolitis o pneumonia at maaaring maospital.

Litrato: Associated Press / Martha Irvine

RCI

Nakikita ng mga ospital sa Canada ang pagtaas ng mga kaso ng isang common respiratory virus, na sa mga pambihirang kaso, ay maaaring mauwi sa malalang pagkakasakit ng mga sanggol.

Ang respiratory syncytial virus (RSV) ay sanhi ng impeksyon sa baga at respiratory tract. Maaari itong magresulta sa malalang impeksyon sa ilang tao, kasama ang mga bata na wala pang dalawang taon at mas matatandang tao na may pre-existing conditions.

Ang mga kaso ng respiratory syncytial virus ay dramatikong bumaba noong unang bahagi ng pandemya, ngunit tumaas noong nakaraang taglagas at ngayon ay nagsu-surge sa maraming parte ng Canada, sabi ni Dr. Earl Rubin, direktor ng infectious diseases division sa Montreal Children's Hospital.

Sinabi ni Rubin na ang surge ay parte ng rason kung bakit ang kanyang ospital ay nagkaroon ng mahabang wait times at shortage ng hospital beds.

Kami ay overwhelmed, aniya.

Nararanasan namin sa pediatric hospitals kung ano ang nararanasan ng adult hospitals noong peak ng COVID.

Sinabi ni Rubin na ang tripleng banta ng flu, bagong coronavirus variants at respiratory syncytial virus ay dahilan para mag-alala.

Ano ang respiratory syncytial virus?

Ang virus sa pangkalahatan ay nauuwi sa cold-like symptoms tulad ng runny nose, ubo at lagnat. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng lower respiratory tract illness sa mga bata sa buong mundo, at tipikal na nauuwi sa mga outbreak sa Canada mula late fall hanggang early spring.

Habang maraming impeksyon ay simpleng sipon lamang, ang mga bata na wala pang dalawang taong gulang ay nanganganib na magkaroon ng malubhang sakit tulad ng bronchitis — ang pagbara sa maliit na airways sa baga — o pneumonia na maaaring mauwi sa pagkakaospital.

Bakit tumataas ang mga kaso ngayon?

Sinabi ni Dr. Anna Banerji, isang infectious disease specialist at associate professor sa University of Toronto faculty of medicine, at ni Rubin na mas kaunti ang kaso ng respiratory syncytial virus noong ipinapatupad pa ang public health measures dahil sa COVID-19, ngunit mayroong ispaik noong nakaraang autumn at gayundin ngayong taon habang mas na-expose ang mga bata sa mas maraming tao.

Marami sa mga bata na iyon ay walang malakas na immunity dahil hindi sila na-expose dati at, similarly, ang kanilang mga ina ay maaaring hindi na-expose at ipinasa ang kanilang immunity, ani Banerji.

Paano ito kumakalat?

Ang respiratory syncytial virus ay predominantly kumakalat sa pamamagitan ng aspirated droplets, ani Rubin. Inirerekomenda niya ang paghuhugas ng kamay, para sa mas nakakatandang mga bata, siguraduhin na sila ay bumabahing sa kanilang siko at nakatakip ang bibig kapag umuubo.

Maaari rin itong kumalat sa pamamagitan ng kontak. Kapag hinawakan mo ang isang contaminated surface at kinusot ang iyong mata, sinundot ang iyong ilong, maaari mong ma-infect ang iyong sarili, aniya.

Ang mga infected na tao ay karaniwang nakakahawa sa loob ng tatlo hanggang walong araw. Ang mga sanggol at mga tao na may mahinang immune system, gayunpaman, ay maaaring ikalat ang respiratory syncytial virus ng mas matagal.

Sino ang pinakananganganib at ano ang pwedeng gawin?

Ang may pre-existing conditions, partikular ang ipinanganak na premature, ay maaaring maging vulnerable sa pinakaseryosong impeksyon.

Ang mga pag-aaral na isinagawa (bagong window) ni Banerji ay iminumungkahi na ang Inuit na mga sanggol sa norte ng Canada ay partikular na nasa peligro.

Mayroon silang mas mataas na rates ng admission kaysa sa halos anumang ibang populasyon sa mundo, aniya.

Sa respiratory syncytial virus season, ang injection ng isang antibody-based medicine ay kung minsan ipini-prescribe upang protektahan ang premature na mga sanggol at iba pang napaka-vulnerable na mga baby.

Basahin ang iba pang detalye rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo ni Benjamin Shingler (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita