- Home
- Agham
- Renewable Energies
Trudeau inanunsyo ang pera para sa Quebec firm na gagawa ng minerals for electric cars
Ang pederal na gobyerno ay mamumuhunan ng $222M para i-boost ang produksyon, bawasan ang emissions

Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ang Rio Tinto project ay lilikha ng mga trabaho at ipoposisyon ang Canada bilang lider sa critical minerals.
Litrato: La Presse canadienne / Ryan Remiorz
Ang Canada ay mamumuhunan ng $222 milyon para tulungan ang isang kompanya sa Quebec na taasan ang produksyon ng critical minerals para sa mga bagay tulad ng electric cars at mga baterya habang sabay na binabawasan ang emissions, sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau noong Martes.
Ito ay parte ng $737 milyon na plano mula sa Rio Tinto sa susunod na walong taon para i-decarbonize ang Rio Tinto Fer et Titane operations sa Sorel-Tracy, Que., at i-boost ang produksyon ng critical minerals tulad ng lithium, scandium at titanium.
Naganap ang pag-anusyo ni Trudeau matapos bisitahin ang pasilidad, mga 90 kilometro hilagang-silangan ng Montreal.
Ang anunsyo ngayong araw sa Rio Tinto ay lilikha ng mga trabaho at ipoposisyon ang Canada bilang lider sa critical minerals na inilalagay sa mga bagay tulad ng electric vehicles para sa ating net zero na kinabukasan,
ani Trudeau sa isang news conference.
Ang pera na iyon, aniya, ay manggagaling sa Strategic Innovation Fund (bagong window) at tutulungan ang planta sa central Quebec na bawasan ang emissions ng kalahati pagsapit ng 2030 sa pamamagitan ng pag-e-electrify ng mga furnace at pagtatanggal sa coal.
Sinabi ni Jakob Stausholm, ang CEO ng Rio Tinto, na ang investment ay makakatulong na palakasin ang North American critical mineral production sa panahon kung saan naha-highlight ng tensyon sa mundo ang pangangailangan para sa secure na suplay.
Binigay niyang halimbawa ang scandium, isang mineral na kanyang sinabi ay eksklusibong pino-produce sa Russia at Tsina ngunit ngayon ay pino-produce na sa Quebec.
Sinabi niya na ang critical minerals ay importante rin sa ilang sektor na ginagampanan ang kritikal na papel upang tugunan ang climate change — kabilang ang electric vehicles, 3D printing at aerospace.
Ang critical minerals ay isang requirement upang baguhin ang energy system ng mundo,
aniya.

Isang electric vehicle na nire-recharge.
Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick
Sinabi ng pederal na gobyerno sa isang news release na ang investment ay lilikha ng hanggang 150 na trabaho sa kompanya.
Dagdag pa nito na ang pondo ay susuportahan ang domestic at foreign clean technology supply chains at tutulungan ang Canada na maging global supplier of choice
para sa critical minerals at mga materyales na kailangan para sa green, digital global economy.
Bago ito, nagsuot si Trudeau ng safety hat at glasses habang binibisita ang isang demonstration plant na ite-test ang bagong smelting technology na nakatuon sa pagbabawas ng emissions.
Ang proyekto, na tinatawag na BlueSmelting, ay gumagana sa pamamagitan ng pagbe-break down ng mga mineral sa molecular level bago ito matunaw, na binabawasan ang dami ng coal na required, ayon kay Caroline Bureau, ang executive director ng engineering at contractor management ng kompanya.
Sinabi ng kompanya sa isang news release na ang proyekto, kapag ganap na itong ipinatupad at pinalawak, ay may potensyal na bawasan ang greenhouse gas emissions sa Sorel-Tracy operation ng Rio Tinto ng hanggang 70 porsyento.
Isang artikulo ni Morgan Lowrie (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.