1. Home
  2. Isport
  3. Hockey

Tugon ng Hockey Canada sa iskandalo ‘mahirap maintindihan,’ ani Trudeau

Sinabi ng organisasyon na hindi ito gagawa ng anumang pagbabago sa kanilang management

Uniporme ng Hockey Canada.

Nababalot ng iskandalo ang Hockey Canada dahil sa mga alegasyon ng gang rape (archives).

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh

RCI

Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ang postura ng Hockey Canada — isang organisasyon na inakusahan ng pag-mishandle sa mga alegasyon ng gang rape — ay "mahirap maintindihan," habang sinabi ng federal sports minister na oras na para sa mga miyembro ng kontrobersyal na organisasyon na “linisin ang kanilang grupo.”

Lumalaki ang pressure para sa national governing body ng ice hockey na baguhin ang kanilang liderato matapos ang pagharap ng isa sa kanilang executives sa harap ng parliamentary committee noong Martes.

Ipinagtanggol ni interim board chair Andrea Skinner ang Hockey Canada, sinabi niya na ito ay may mahusay na reputasyon at nakipagtalo laban sa scapegoating ng hockey bilang sentro ng toxic culture.

Close up ng mukha ni Andrea Skinner.

Hockey Canada Interim Board Chair Andrea Skinner (archives)

Litrato: Gracieuseté : Hockey Canada

Sinabi ni Skinner na ang Hockey Canada ay hindi gagawa ng anumang pagbabago sa management, tinutulan ang kahilingan ni federal Sport Minister Pascale St-Onge, na sinabing siya ay naniniwala na ang mass resignations sa governing body ay kailangan para maibalik ang tiwala ng publiko.

Sa isang kaugnay na development, sinabi ng Tim Hortons noong Miyerkules na ipu-pull out nito ang kanilang sponsorship (bagong window) sa lahat ng men's hockey programming ng Hockey Canada para sa 2022-23 season, kasama ang men's world junior championships.

Sinabi ng kumpanya na patuloy nitong popondohan ang women, youth at para teams.

Inanunsyo rin ng telecommunications company na Telus ngayong Huwebes na hindi na nito popondohan ang men's program para sa darating na season.

Samantala, inanunsyo rin ng higanteng retail company na Canadian Tire na permanenteng wawakasan ng kumpanya ang partnership nito sa Hockey Canada.

Basahin ang iba pang detalye sa istoryang ito (bagong window).

PANOORIN | Interim chair ng Hockey Canada isang ‘scapegoat,' ayon sa sports minister:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita