1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Home sales sa Toronto bumagsak ng 44% mula 2021, kumonti ang bagong listings sa 20 taon

Sinabi ng Toronto Regional Real Estate Board na ang home sales ay apektado ng interest, mortgage rate hikes

Isang sign sa harap ng bahay na nagsasabing "This house is for sale."

May 5,038 na naibentang bahay sa Greater Toronto Area noong Setyembre (archives).

Litrato:  (Evan Mitsui/CBC)

RCI

Ang bentahan ng bahay sa Toronto noong Setyembre ay bumagsak ng 44% kumpara noong nakaraang taon at 10% mula Agosto habang nakita ng merkado ang pinakamababa na bagong listings sa loob ng 20 taon.

Sinabi ng Toronto Regional Real Estate Board na ang home sales para sa tipikal na busy na buwan ay naapektuhan ng interest at mortgage rate hikes.

Minarkahan ng mga numero ang patuloy na paglamig ng merkado na pinababa na ang bidding wars at pinigilan ang ilang nagbebenta mula sa paglista ng kanilang ari-arian dahil malamang hindi ito maibebenta ng mataas tulad ng nakuha ng kanilang mga kapitbahay noong simula ng taon, nang kumikilos ang merkado sa isang mainit na pace.

May 5,038 na naibentang bahay sa Greater Toronto Area noong Setyembre.

Nakita rin sa rehiyon ang 11,237 na bagong listings, at halos 17% na pagbaba mula noong nakaraang taon at ang pinakamababang bilang para sa buwan na iyon mula 2002.

Ang pagbaba ng bagong listings ay sinamahan pa ng composite benchmark price na umabot ng $1,086,762, isang 4.3% na pagbaba mula noong nakalipas na taon, ngunit halos 1% na pagtaas mula Agosto.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita