1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Trudeau inaasahan na tetestigo sa Emergencies Act inquiry, ayon sa PMO

Ang mga paglilitis ay nakatakda na maganap sa Oktubre 13 at matatapos sa Nobyembre

Justrin Trudeau nakatayo sa likod ng podium.

Prime Minister Justin Trudeau (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

RCI

Inaasahan si Prime Minister Justin Trudeau na tetestigo sa public inquiry sa pagpapatupad ng federal Emergencies Act sa naganap na mga protesta ng Freedom Convoy noong Pebrero sa Ottawa, ayon sa kanyang opisina.

Isasapubliko pa lamang ng Public Order Emergency Commission ang listahan ng mga saksi, ngunit sinabi ng isang tagapagsalita mula sa Prime Minister's Office sa CBC na si Trudeau ay inaasahan na maiimbitahan at welcome naman ang ideya na ito sa kanya.

Unang iniulat ng CTV News na ang prime minister ay tetestigo sa inquiry.

Ginamit ni Trudeau ang akto noong Pebrero 14 — sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Canada — na binigyan ang pederal na gobyerno ng panandaliang kapangyarihan para harapin ang anti-COVID-19 restriction blockades na naging sanhi ng gridlock sa Ottawa sa loob ng tatlong linggo noong nakaraang taglamig habang ang mga nagpoprotesta ay nag-park ng mga trak na humarang sa access sa mga komunidad at bumara sa mga pangunahing daan sa paligid ng Parliament Hill.

Ang Liberal na gobyerno ay pinahintulutan na masilip ang mga dokumento ng gabinete kaugnay ng paggamit sa Emergencies Act, sumang-ayon ito sa kahilingan ni Paul Rouleau, ang pinuno ng public inquiry.

Ang inquiry ay unang nakaiskedyul na magsimula noong Setyembre 19 at tatakbo hanggang Oktubre 28. Ngunit dahil sa hindi inaasahang surgery ni Rouleau (bagong window) nakatakda na ito na magsimula sa Oktubre 13 at matapos ang public hearings sa Nobyembre 25.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita