1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Katutubo

Pamilya ni Joyce Echaquan hiling ang $2.7M sa kaso laban sa Lanaudière health authority

Isang civil lawsuit ang inilunsad 2 taon matapos ang pagkamatay ni Echaquan sa ospital sa Joliette, Que.

Pamilya Echaquan at ang kanilang abogado.

Dinemanda ng pamilya ni Joyce Echaquan ang Centre hospitalier de Lanaudière, nars at doktor na tumingin sa kanya.

Litrato: Radio-Canada / Marie-Laure Josselin

RCI

Dalawang taon at isang araw matapos ang pagkamatay ni Joyce Echaquan sa isang ospital malapit sa Joliette, Que., inanunsyo ng pamilya ng Atikamekw na kababaihan noong Huwebes ang paglulunsad ng isang civil suit laban sa regional health authority na nangangasiwa rito.

Ang 37 taong gulang na ina ng pitong anak mula sa Manawan, 250 kilometro norte ng Montreal, ay namatay noong Setyembre 28, 2020, sa Centre hospitalier de Lanaudière, matapos kunan ng bidyo ang mga nagtatrabaho sa ospital na pinagtatawanan ang kanyang kalagayan at iniinsulto ang kanyang pagkatao.

Halos $2.7 milyon ang hinihiling mula sa Centre intégré de santé et de services sociaux (CISSS) de Lanaudière, sa nars na nakunan sa bidyo na iniinsulto si Echaquan at sa doktor na naatasan na magbigay sa kanya ng pangangalaga, ayon sa pahayag ng claim na isinampa sa korte ng Joliette.

Nang magsalita sa isang news conference noong Huwebes, ang abogado ng pamilya, si Patrick Martin-Ménard, ay sinabi na ang health authority ay nalalaman kung paano nito binigo ang komunidad ng Atikamekw at dapat ay nalalaman nila na kailangan ng urgent action upang mas paghusayin ang pangangalaga na inaalok sa mga miyembro ng komunidad.

Hinihiling ang $2.675 milyon para sa asawa ni Echaquan, ina at pitong anak kasama ang $500,000 na punitive damages mula sa regional health authority, $20,000 mula kay Paule Rocray (ang nars na nahuli sa livestream ni Echaquan noong araw na iyon) at $155,000 mula kay Dr. Jasmine Thanh.

Hawak ng isang lalaki ang kanyang anak sa kanyang mga bisig.

Si Carol Dubé, asawa ni Joyce Echaquan, ay lumahok sa isang martsa na naganap bilang bahagi ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Litrato: Radio-Canada / Marie-Laure Josselin

Isang coroner mula sa Quebec ang nagsabi na may papel na ginampanan ang rasismo sa pagkamatay ni Echaquan (bagong window), na hindi nagmula sa natural na sanhi bagkus ay dahil hindi siya nakakuha ng pangangalaga na entitled siya, isang bagay na binigyang-diin ng abogado ng pamilya.

Namatay si Joyce Echaquan mula sa pulmonary edema matapos bigyan ng malalakas na sedative habang nauwi sa cardiac arrest, sinabi ng isang emergency physician sa inquiry ng coroner sa kanyang pagkamatay (bagong window).

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Bahagi ng artikulo ni Miriam Lafontaine (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita