1. Home
  2. Lipunan
  3. Katutubo

Governor General binisita ang James Smith Cree Nation matapos ang mass stabbing

Nakiramay ang governor general sa mga pamilya ng biktima

Mary Simon at mga miyembro ng James Smith Cree Nation.

Nag-alay ng pakikiramay si Gov. Gen. Mary Simon, gitna, sa mga pamilya ng mga biktima ng pananaksak sa James Smith Cree Nation noong unang bahagi ng Setyembre.

Litrato: Radio-Canada / Geneviève Patterson

RCI

Binisita ni Gov. Gen. Mary Simon ang James Smith Cree Nation upang makipagkita sa mga pamilya ng mga namatay sa mass stabbing sa Saskatchewan nitong unang bahagi ng Setyembre.

Habang nandoon, nagpunta si Simon sa puntod ng mga biktima sa isang pribadong pagbisita at nakipag-usap sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa trahedya na kanilang pinagdaanan.

Matatandaan na noong Labour Day Weekend, naganap ang isang mass stabbing sa James Smith Cree Nation at sa katabing bayan nito na Weldon sa Saskatchewan kung saan 10 ang namatay at 18 ang nasugatan.

Nahuli at namatay din kinalaunan ang magkapatid na salarin na sina Myles at Damien Sanderson. Sila ay parehong kinasuhan ng first-degree murder.

Panoorin ang ulat ng The National sa bidyo na ito.

Isang bidyo ng The National na isinalin ang caption sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita