1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pagbabakuna

Ano ang kailangan mong malaman tungkol sa bivalent booster shots

Sinagot namin ang ilan sa inyong mga katanungan tungkol sa bagong bakuna

Isang health-care worker na naka-mask at salamin ang may hawak na hiringgilya.

Isang coronavirus vaccine ang inihahanda sa isang klinika sa Vancouver, B.C. nitong unang bahagi ng taon.

Litrato:  CBC News / Ben Nelms

RCI

Ang mga appointment para magpaturok ng bagong bivalent booster shots — isang uri ng bakuna na nagpoprotekta laban sa kombinasyon ng dalawa o mahigit pang coronavirus strains — ay binuksan na sa mga probinsya sa Canada para sa lahat ng adults.

Ang bakuna ay naunang naging available para sa mas vulnerable na populasyon ng mga probinsya noong simula ng Setyembre, ngunit naging available na para sa lahat ng tao edad 18 pataas.

Binigyang-diin ng health officials ang kahalagahan ng pagkuha ng naturang bakuna, lalo na’t paparating na ang mas malamig na mga buwan, ngunit ang timing ay maaaring mag-iba sa bawat tao, batay sa huling beses na ikaw ay na-infect o huling binakunahan.

Nakatanggap ng ilang katanungan ang CBC tungkol sa bivalent booster.

Basahin ang mga sagot dito (bagong window).

PANOORIN | Dapat ka bang magpaturok ng bivalent COVID-19 vaccine ng Moderna?

Samantala, narito ang eligibility criteria para sa bivalent booster shot at kung saan ito ibinibigay sa bawat teritoryo at probinsya mula noong Setyembre 27, 2022:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita