1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Ekonomiya ng Canada lumaki ng 0.1% noong Hulyo, ‘di natupad ang inaasahang pagliit

Ang early look sa datos para sa Agosto ay iminungkahi ang flat growth

Isang manggagawa na umaakyat sa oil rig.

Ang output mula sa oilsands industry ng Canada ay isang source ng kalakasan para sa ekonomiya ng Canada noong Hulyo.

Litrato: Associated Press / Gregory Bull

RCI

Ang gross domestic product ng Canada ay lumago ng 0.1 porsyento noong Hulyo, tinalo ang inaasahan na pagbaba, habang ang paglaki ng pagmimina, agrikultura at oil and gas sector ay binawi ang pagliit ng manufacturing.

Iniulat ng Statistics Canada ngayong Huwebes na ang economic output mula sa oilsands sector ay tumaas nang husto, sa pamamagitan ng 5.1 porsyento para sa buwan na iyon. Ito ay isang pagbabago sa direksyon matapos ang dalawang sunod na buwan ng pagbaba.

Ang agrikultura, forestry, fishing at hunting sector ay lumaki ng 3.2 porsyento, na pinangunahan ng crop production.

Sa downside, ang manufacturing sector ay lumiit ng 0.5 porsyento, ang ikatlong pagbaba sa apat na buwan.

Ang wholesale trade ay lumiit ng 0.7 porsyento, at ang retail sector ay lumiit ng 1.9 porsyento. Ito ang pinakamaliit na output para sa retail mula noong Disyembre.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Ipinapakita ng tsart na ito ang economic output ng Canada.

Litrato:  CBC News / Pete Evans

Habang ang ekonomiya ay bahagyang lumaki noong Hulyo, ang early look ng data agency sa mga bilang para sa Agosto ay hindi nagpapakita ng pag-unlad.

Sa kabuuan, habang ang mga ekonomista ay natutuwa na makitang lumago ang ekonomiya, iminumungkahi ng datos na ang mga bagay ay nagsimula nang bumagal.

Ang ekonomiya ay mas maganda kaysa sa inaasahan noong tag-init, ngunit ang ipinakita nito ay ordinaryo lamang, sabi ng ekonomista na si Royce Mendes ng Desjardins.

Habang tinalo ng datos ang inaasahan ngayong araw, ang mga numero ay hindi gumalaw para makakita ng isang material market reaction.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita