1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Finance at Insurance

Canadians hindi makakatakas sa epekto ng global currency chaos

Habang ang U.S. dollar ay tumaas at ang pound ay bumaba tiyak mararamdaman ng Canadians ang epekto nito

Pound sterling banknotes at mga barya.

Pound sterling banknotes at mga barya (archives).

Litrato: iStock

RCI

Para sa Canadians, karaniwan ang mas pinaka-pressing na dahilan para isipin ang global currencies ay malaman kung ano ang puwedeng bilhin sa isang loonie ($1) kapag bumisita sa Mexico, Europa o Estados Unidos.

Dahil dito, ang mga Canadian na kasalukuyang nagta-travel sa Britanya ay tiyak na matutuwa kapag sinuri na nila ang kanilang credit card statements pagbalik ng Canada.

Nitong unang bahagi ng taon, magbabayad ka ng $1.70 para sa one pound sterling; ngayong linggo ang pera ng Britanya ay bumagsak sa mas mababa sa $1.50.

Ngunit habang ang pagkuha ng mga bargain sa pagbibiyahe ay maaaring kasiya-siya, ang epekto sa Canadians kalaunan at sa kanilang ekonomiya ay puwedeng maging costly.

Nagbabala ang ilang analysts na ang lumalaking wave ng global instability kapalit ng exchange rates ay maaaring mauwi sa isang bagong pinansyal na krisis na kakaiba mula sa tumama sa banking sector noong 2008.

Kung ganoon, hindi makakatakas ang Canadians sa epekto nito, sinabi ni Don Pitts ng CBC.

Basahin ang kanyang buong ulat dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita