- Home
- Kapaligiran
- Mga insidente at natural na kalamidad
Mahigit 200,000 na bahay sa Maritimes wala pa rin kuryente matapos ang Fiona
Mahigit 140,000 na Nova Scotia Power customers ang nasa dilim pa rin mula Martes ng umaga

Nagtatrabaho ang mga empleyado ng Nova Scotia Power upang ayusin ang linya ng kuryente sa Dartmouth, Nova Scotia (archives).
Litrato: La Presse canadienne / Darren Calabrese
Mahigit 200,000 na tao sa buong Maritimes ang wala pa rin kuryente matapos tumama ang Bagyong Fiona sa Atlantic Canada at ilang parte ng timog-silangang Quebec noong weekend na umanod sa mga bahay (bagong window), nagpatumba ng mga puno (bagong window), at sumira ng mga landmark (bagong window).
Ngayong Martes, ang kuryente ay naibalik na sa karamihan ng mga customer na naapektuhan ng Bagyong Fiona sa Quebec at Newfoundland and Labrador, ngunit ang mga outage ay nananatili sa buong Maritimes.
Rumesponde ang Canadian Armed Forces sa mga panawagan mula sa Nova Scotia, Newfoundland and Labrador at makatulong sa paglinis ng debris (bagong window) at pagtanggal sa mga puno sa kalsada upang maibalik ang power lines.
P.E.I. noong Lunes upangAng cleanup efforts ay nagpapatuloy buong araw at ang power companies ay regular na nagbibigay ng update sa kanilang mga website sa kabuuang bilang ng natitirang power outages.
- Paano ia-access ang comfort centres at Fiona storm aid sa Nova Scotia (bagong window)
- Narito ang listahan ng warming centres sa P.E.I. para sa mga wala pa ring kuryente (bagong window)
Narito ang estado ng mga probinsya na nahaharap pa rin sa significant power outages:
Nova Scotia
Mula 11 n.u. AT ngayong Martes, humigit-kumulang 7,500 power outages ang nakakaapekto sa 140,000 na Nova Scotia customers (bagong window). Bumaba mula sa mahigit 400,000 na customers na apektado noong Sabado. Ang Nova Scotia Power ay may 525,000 na customers.
Ang kuryente ay naibalik na sa mahigit 50 porsyento ng Nova Scotia Power customers pero ang power restoration ay iba-iba sa buong rehiyon.
Ang Sydney ang may pinakamataas na bilang ng power outages na may humigit-kumulang 41,500 customers na apektado. Ang Truro ang pangalawa na may 23,2000 na apektadong customers. Ang Stellarton ay may 19,000 customers na apektado at ang Dartmouth ay may 17,000.
Ang Halifax ay may humigit-kumulang 5,000 customers na apektado. Ang kanlurang bahagi ng probinsya ang hindi gaanong naapektuhan na may 23 power outages sa Guysborough.
- Upang ipreserba ang iyong device data, basahin ang latest Hurricane Fiona details dito (bagong window)
- Intense na ulan inaasahan na pipigilan ang cleanup habang dumating ang Canadian Forces sa Port aux Basques (bagong window)
Prince Edward Island
Mula 11 n.u. AT ngayong Martes, humigit-kumulang 74,000 Maritime Electric customers ang naapektuhan ng power outages (bagong window).
Ang Stratford, Cornwall, Kensington at Souris ang may pinakamataas na bilang ng outages sa probinsya na may mahigit 1,000 customers na apektado sa bawat rehiyon.
New Brunswick
May humigit-kumulang 3,900 New Brunswick Power customers ang apektado ng 3,300 outages sa Moncton pa lamang (bagong window) ngayong Martes ng umaga.
Isang artikulo ni Anam Khan (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.