1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Recovery mula sa Bagyong Fiona nagsimula na sa Atlantic Canada

Napinsala ang mga bahay, negosyo at libo-libo ang wala pa rin kuryente

Mga nasirang bahay na nakalubog sa tubig baha.

Nagdulot ng malaking pinsala ang Bagyong Fiona sa Rose Blanche, silangan ng Port aux Basques, Newfoundland (archives).

Litrato: Associated Press / Pauline Billard

RCI

Sinusuri ng mga tao sa Atlantic Canada ang pinsala at clean up matapos manalasa ang Bagyong Fiona sa buong rehiyon noong Sabado.

Sa Newfoundland, ilang bahay ang naanod o nasira, ang iba binaha, ang mga daan ay naanod at ang mga tao ay napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ang pinsala ay mas kapansin-pansin sa Port aux Basques, kung saan ang mga boulder at debris ay nagkalat sa komunidad. Sinabi ni CBC meteorologist Ashley Brauweiler na ang karamihan ng pinsala sa komunidad ay sanhi ng storm surge.

PANOORIN | Bagyong Fiona inanod ang mga bahay, nawalan ng tirahan ang mga residente sa Port aux Basques, N.L.:

Ang katawan ng nawawalang 73 taong gulang na babae mula sa Port aux Basques na nawala noong kasagsagan ng bagyo matapos mawasak ang kanyang tahanan ay narekober noong Linggo ng hapon. Siya ay natagpuan sa tubig.

Inaprubahan ng Canada ang request mula sa Newfoundland and Labrador, Prince Edward Island at Nova Scotia para sa deployment ng mga miyembro ng Canadian Armed Forces upang makatulong sa storm recovery.

Sa isang pahayag na inisyu noong Linggo matapos dumaan ang bagyo sa Lower North Shore sa Quebec at pagkatapos sa Labrador, sinabi ng Environment Canada na ang lakas ng hangin na 177 km/h ay nai-record sa timog-kanlurang bahagi ng Newfoundland. Samantala, ang rainfall mula sa Bagyong Fiona ay umabot sa 152 mm sa Sable Island, Nova Scotia, habang may unofficial reports na mahigit 200 mm ng rainfall ang naranasan malapit sa Antigonish.

Sa briefing noong Linggo, sinabi ni Nova Scotia Premier Tim Houston na ang Bagyong Fiona ay talagang nag-iwan ng marka sa probinsya, tinawag ang pinsalang iniwan nito na nakakadurog puso.

Sinabi ng premier na ang prayoridad ng probinsya ay siguraduhin na ang mga tao ay may ligtas na matutuluyan at maibabalik ang kuryente sa mga nawalan nito. Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita