1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Pagtugon sa inflation, disability benefit nilagay na pangunahing parliamentary agenda

Maghaharap sina Prime Minister Justin Trudeau at bagong Conservative Leader na si Pierre Poilievre sa huling bahagi ng linggong ito

Lalaki naglalakad habang dumadaan sa isang sulok ng Parliament Hill

Dumaan ang isang manggagawa sa West Block sa Parliament Hill noong 2021. Ang House of Commons ay muling nagpupulong sa araw ng Martes.

Litrato: The Canadian Press / Adrian Wyld/The Canadian Press

RCI

Nagpahiwatig ang mga Liberal na ang kanilang prayoridad ngayong taglagas ay ang pagtulong ng Canada sa mga napaka-bulnerable sa pagbabalik ng sitting sa House of Commons ngayon.

Marami ang nag-aabang para makita kung may sisiklab sa pagitan ni Prime Minister Justin Trudeau at ng bagong Conservative Leader na si Pierre Poilievre.

Ang mga umaasa sa unang showdown ay kailangan maghintay hanggang sa Huwebes, dahil si Trudeau ay nasa New York ngayon at sa sumunod na araw para sa United Nation General Assembly.

Lahat ng political parties ay nagbigay-indikasyon na ang krisis sa cost-of-living ang kanilang pangunahing prayoridad, at tatlong panukalang batas ng gobyerno ang agad nasa agenda na tumatalakay sa mga bagong benepisyo.

Sisimulan ng Liberal ang araw sa debate tungkol sa lumang panukalang batas sa paglikha ng bagong benipisyo mula sa pederal na gobyerno para sa mga taong may kapansanan.

Plano rin nilang magpasa ng batas upang dagdagan pansamantala ang GST rebate para sa mga Canadian na mababa ang kita at ang lumikha ng isang stop-gap dental benefit para sa mga bata habang inaayos pa ang buong national dental program.

Sinabi ni House Leader Mark Holland na umaasa siyang magsama-sama ang mga parliamentarian at magbigay ng tunay na solusyon para sa mga problemang kinakaharap ng mga Canadian ngayon at malaman ang tono ng kanilang mga debate sa Kamara.

Isang artikulo ni Mia Rabson (bagong window) ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Rodge Cultura.

Mga Ulo ng Balita