1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Enerhiya

Inflation rate ng Canada lumamig sa 7%, ngunit presyo ng mga pagkain tumataas pa rin

Opisyal na inflation rate pumalo sa 40-year high na 8.1% kamakailan sa taong ito

Babae inaaayos ang kanyang mga binili sa isang cart.

Bumaba ang inflation rate ng Canada sa 7 porsiyento noong Agosto, ngunit ang mga presyo para sa pagkain na binili sa mga tindahan ay tumataas sa mas mabilis na rate — 10.8 porsiyento.

Litrato: George Frey/Bloomberg

RCI

Ang inflation rate ng Canada ay lumamig sa pitong porsyento noong Agosto, ayon sa Statistics Canada noong Martes.

Inaasahan ng mga ekonomista na ang rate ay magiging 7.3 porsyento, matapos umakyat ang inflation na pinakamataas sa 40-taon na 8.1 porsyento ngayong tag-init.

Sa halip, ang rate ay bumagsak ng higit pa kaysa sa inaasahan, malaking bahagi dito ay dahil naging mas mura ang gasolina sa naturang buwan.

Ang presyo ng gas ay bumaba ng 9.6 porsyento noong Agosto kumpara sa naunang buwan. Iyon ang pinakamalaking isang buwanang pagbaba ng presyo ng gasolina mula noong Abril 2020, noong nagsisimula pa ang pandemya.

Bagama't mas mura ng konti ang gasolina, ang mga presyo ng pagkain ay patuloy sa kanilang pagtaas - ang halaga ng mga bilihin ay tumaas ng 10.8 porsyento sa nakaraang taon.

Ito ang pinakamabilis na pagtaas sa tipikal na halaga sa bilihin sa grocery mula noong 1981.

Grap na nagpapakita sa porsiyento na itinaas sa walong pangunahing bilihin.Palakihin ang larawan (bagong window)

Tsart nagpapakita sa average price ng bilihin sa pagitan ng 2021 at 2022 batay sa datos ng Statistics Canada.

Litrato: Graeme Bruce/CBC News

Ang supply ng pagkain ay patuloy na naapektuhan ng maraming kadahilanan, kabilang ang extreme weather, mas mataas na gastos sa paggawa, pagsalakay ng Russia sa Ukraine at mga pagkagambala sa supply chain, sabi ng ahensya.

Ang bakery products ay tumaas ng higit sa 15 porsyento sa nakaraang taon, habang ang prutas ay tumaas ng higit sa 13 porsyento.

ANALYSIS: Kalimutan ang 8.1%: Narito kung bakit ang inflation ay nag-peak na — siguro (bagong window)

Ang pagbaba sa inflation rate ay isang ginhawa para sa Bank of Canada, na agresibong itinaas ang benchmark na interest rates nito para subukang palamigin ang mga ito.

Ngunit kahit pa sa 7 porsyento, ang opisyal na inflation rate ay higit pa sa dalawang beses na mataas kaysa sa gustong makita ng bangko sentral.

Sa ilalim ng pagbaba ng numero, mayroong mas mga pinagbatayan na senyales na ang inflation ay maaaring nagsisimula nang humina. Ang tinatawag na core inflation - na nag-alis ng mga volatile item tulad ng pagkain at enerhiya - ay bumaba sa 5.2 porsyento, bumaba mula sa 5.4 porsyento noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Leslie Preston, isang ekonomista sa TD Bank, na may mga dahilan para umasa na ang inflation ay napagdaan na.

Ang paglalakbay ng isang libong milya ay nagsisimula sa isang hakbang, sabi niya. Ang Canadian inflation ay gumawa ng isang hakbang sa tamang direksyon noong Agosto, ngunit mahaba pa ang lalakbayin nito.

Grap nagpapakita sa inflation rate at ang benchmark interest rate na ipinatupad ng Bank of CanadaPalakihin ang larawan (bagong window)

Grap ng inflation rate batay sa datos mula sa Bank of Canada.

Litrato: Bank of Canada, Graeme Bruce/CBC News

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window) sa CBC News na isinalin sa Tagalog ni Rodge Cultura.

Mga Ulo ng Balita