1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Suspek sa pananaksak sa Sask. natagpuang patay, pangalawang akusado hinahanap pa: RCMP

PAALALA: Ang istoryang ito ay may mga nakakabahalang detalye

Mga pulis at imbestigador sa crime scene.

Ang mga imbestigador na nakasuot ng protective equipment sinuri ang crime scene sa Weldon, Sask., noong Linggo.

Litrato: La Presse canadienne / Heywood Yu

RCI

Ang isa sa dalawang suspek na hinahanap mula nang maganap ang pananaksak sa Saskatchewan noong Linggo ay natagpuang patay, kinumpirma ng pulisya noong Lunes.

Si Damien Sanderson, 31, ay natagpuang patay na may mga sugat na tila hindi self-inflicted, sinabi ni Rhonda Blackmore, ang commanding officer ng Saskatchewan Royal Canadian Mounted Police.

Litrato ng mga mukha Damien at Myles Sanderson.

Ang yumao na si Damien Sanderson, kaliwa, at ang kanyang kapatid na si Myles Sanderson ang dalawang suspek sa pananaksak sa Saskatchewan noong Linggo (archives).

Litrato: Fournie par la GRC

Ang kanyang katawan ay natagpuan sa isang madamong lugar sa James Smith Cree Nation noong 11:30 n.u. noong Lunes, malapit sa bahay na sinusuri ng mga pulis bilang parte ng imbestigasyon.

Hinahanap pa ng mga pulis ang kanyang kapatid na si Myles Sanderson, 30.

Sampung tao ang namatay sa naganap na pag-atake noong Linggo sa iba’t ibang lokasyon sa probinsya, kasama ang James Smith Cree Nation. Ang bilang ng mga nasaktan ay umabot sa 18. Hindi kasama sa tally na ito ang magkapatid na Sanderson.

Si Myles ay nahaharap sa three counts of first-degree murder; si Damien ay sinampahan ng one count of first-degree murder. Ang magkapatid ay kinasuhan ng attempted murder at break and enter.

Pinaghahanap ng mga pulis mula Saskatchewan, Alberta at Manitoba ang magkapatid na Sanderson matapos magbunsod ang pag-atake ng dangerous-persons alert.

Sinabi ng pulisya na si Myles ay maaaring nagtamo ng mga sugat, bagama’t hindi pa ito nakukumpirma.

Hindi namin gustong ipaalam sa publiko ito dahil may posibilidad na maaaring humingi siya ng atensyong medikal, ani Blackmore.

Kahit na siya ay nasugatan, hindi ibig sabihin nun na hindi siya mapanganib, dagdag pa niya, binigyang-diin ni Myles na may mahabang criminal record ang suspek kasangkot ang mga krimen laban sa mga tao at property.

Nang tanungin kung si Myles ay suspek sa pagkamatay ni Damien, sinabi ni Blackmore na hindi pa masabi ng pulisya kung siya ay involved.

Ito ay isang aspeto ng imbestigasyon na aming sinusundan.

Karahasan ‘walang lugar sa ating bansa’: PM

Bago ang pinakahuling briefing noong Lunes, nagsalita si Prime Minister Justin Trudeau sa buong bansa, ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga apektado.

Ang ganitong uri ng karahasan, o anumang uri ng karahasan, ay walang lugar sa ating bansa, aniya.

Sinabi ni Trudeau na ang pederal na gobyerno ay patuloy na mino-monitor ang sitwasyon at nakipag-usap sa mga lider ng James Smith Cree Nation.

Sinabi rin niya na siya ay nakipag-usap kay Saskatchewan Premier Scott Moe, at dinagdag na ang Canada ay naroroon para magbigay ng kinakailangang resources sa oras ng krisis.

PANOORIN | Prime Minister Justin Trudeau nagsalita tungkol sa mga pag-atake:

Sinabi ni Trudeau na patuloy kaming makikipagtulungan sa mga partner sa susunod na mga linggo, buwan at taon habang dumadaan sa pagdadalamhati at healing.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Narito ang timeline ng karumal-dumal na pananaksak sa Saskatchewan:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita