1. Home
  2. Politika
  3. Mga baril

Interim ban ng Canada sa pag-import ng mga baril epektibo na

Ang long-term import freeze ay hindi inaasahan na maaaprubahan hanggang fall

Mga nakumpiska na baril.

Ang mga baril na nakumpiska sa isang serye ng mga raid ng Toronto police ay naka-display para sa media.

Litrato: La Presse canadienne / Chris Young

RCI

Simula ngayong araw, ang mga indibidwal at negosyo ay hindi na maaaring mag-import ng mga baril sa Canada, na may limitadong exceptions.

Ang move na ito na inanunsyo nitong unang bahagi ng buwan ay nakatuon sa pagpapabilis ng isang pangunahing haligi ng federal effort na i-cap ang bilang ng mga baril sa bansa.

Noong Mayo, inanunsyo ng Liberal na gobyerno ang plano na ipatupad ang isang freeze sa pag-import, pagbenta o paglipat ng mga baril, para makatulong sa pag-iwas sa karahasan na may kinalaman sa handguns.

Ang hakbang na ito ay parte ng mas malawak na firearms-control package na pahihintulutan ang awtomatikong pagtatanggal sa gun licences mula sa mga taong nag-commit ng domestic violence o lumahok sa criminal harassment, tulad ng stalking, gayundin ang pagtaas sa maximum penalties para sa gun smuggling at trafficking mula 10 hanggang 14 na taon.

Noong spring, para siguraduhin na ang national freeze sa mga baril ay maipapatupad nang mabilis, ipinanukala ni Public Safety Minister Marco Mendicino ang regulatory amendments sa House of Commons at Senado.

Gayunpaman, ang mga regulasyon ay hindi inaasahan na maipapatupad hanggang sa fall, at ang kaakibat na legislative measures ay hindi pa naaprubahan ng Parlamento.

Ang pagbabago na ipatutupad ngayong araw ay mananatili hanggang maipasa ang permanent freeze sa Parlamento at maipatupad ito.

Sinabi ng gobyerno na ang pagfi-freeze sa bilang ng mga baril sa Canada ay gagawing mas ligtas ang mga tao sa bansa, binigyang-diin na ang mga ito ang pinakaseryosong armas na present sa karamihan ng firearm-related na mga bayolenteng krimen sa pagitan ng 2009 at 2020.

Dagdag pa rito, ang bilang ng rehistradong mga baril sa Canada ay tumaas ng 71 porsyento sa pagitan ng 2010 at 2020, sa humigit-kumulang 1.1 milyon.

Ang 2021 budget ay nagbigay ng mahigit $312 milyon na bagong pondo para taasan ang firearms tracing capacity at ipatupad ang mas malakas na mga hakbang para kontrahin ang gun smuggling at trafficking.

Binanggit ni Mendecino ang significant increase sa gun seizures sa border noong nakaraang taon kumpara sa 2020 bilang ebidensya ng progreso.

Tiwala ako that we’re making progress sa ating laban sa illegal gun trafficking sa ating mga border.

Isang artikulo ni Jim Bronskill (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita