1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pangangalaga at Paggamot

Nag-aalala ka ba sa shortage ng mga pambatang gamot? Ito ang dapat mong malaman

Dapat kausapin ng mga magulang ang isang pharmacist tungkol sa alternatibong medication options

Mga gamot na pambata naka-display sa estante.

Ang pharmacies sa buong Canada ay nahaharap sa shortages ng karaniwang children's pain and fever medications.

Litrato: La Presse canadienne / Joe O'Connal

RCI

Sa gitna ng nationwide shortage ng pain and fever medications ng mga bata, ang Health Canada ay nakatakdang makipagkita sa mga manufacturer noong Huwebes para pag-usapan ang mga paraan kung paano ibu-boost ang supply.

Sinabi ng mga magulang sa Canada na walang laman ang mga estante kung saan umaasa silang makakakita ng pambatang acetaminophen o ibuprofen products, tulad ng liquid Tylenol at Advil, o chewable tablets.

Ang magkasalungat na payo mula sa health organizations nitong mga nakaraang araw ay nauwi sa pagkalito tungkol sa kung paano bibili ng mga produktong ito at nagkaroon tuloy ng pag-aalala ukol sa potential panic-buying.

Ang mga pharmacist at iba pang health organizations ay hinihikayat ang publiko na huwag mag-hoard ng gamot, dahil may backup options na available at ang pharmacists ay maaaring mag-alok ng individualized advice para gamutin ang mga bata.

Basahin ang iba pang detalye sa istorya na ito (bagong window).

PANOORIN | Pharmacists hinikayat na huwag mag-panic buying sa gitna ng shortage ng pambatang pain medicine:

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita