1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Buhay sa Calgary bilang Filipino Canadian: Mula sa nakikita tungo sa pagiging mahalaga

Si Cesar Cala nagsalita sa pangangailangan na maging ‘sentro ng mga bagay, wala sa tabi lang’

Si Cesar Cala nakatayo sa isang kalsada sa Calgary.

Si Cesar Cala ay may passion para sa civic engagement at community empowerment.

Litrato: Cesar Cala

RCI

Mula sa pagiging nakikita lamang, tungo sa pakiramdam na mahalaga ka.

Ito ay maaaring maging isang uri ng daan patungong inclusion na marami sa minority communities sa Canada ang umaasa na tahakin.

Ito ay isang bagay na nakipagbuno si Cesar Cala nang siya ay lumipat sa Calgary, Alta., bilang isang Filipino Canadian.

Ibinato ni Cala ang ideya na ito sa isang editorial-board meeting sa pagitan ng CBC Calgary at ilang lider mula sa Filipino community ng siyudad. Aniya ito ay isang bagay na nararanasan ng maraming bagong Canadians — ang laban para hindi lang mag-exist sa loob ng isang komunidad, ngunit tunay na kilalanin bilang isang makabuluhang boses.

Si Cesar ay nanirahan na sa Canada sa loob ng 26 na taon. Kuwento niya, siya raw ay may passion para sa civic engagement at community empowerment, at nakikipagtulungan sa mga organisasyon tulad ng Calgary Foundation at United Way.

Ginampanan niya ang isang mahalagang papel sa pagdedebelop ng Genesis Centre sa hilagang-silangang bahagi ng Calgary, na naging isang hub para sa parte ng siyudad na iyon. Siya rin ay parte ng Fiesta Filipino — ang isa sa pinakamalaking cultural festivals sa Alberta at mga organisasyong Pilipino.

Nais namin malaman ang mas maraming detalye tungkol sa karanasan ni Cesar, sabi nga niya, Una tayo ay nag-e-exist lang, tapos naging mahalaga.

Isang artikulo ni Paul Karchut (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita