1. Home
  2. Mga Hukuman at Krimen
  3. Hustisya

‘Di sapat ang ebidensya para imbestigahan ang Quebec Cardinal for sexual assault: Pope

Nahaharap si Cardinal Marc Ouellet sa sekswal na mga alegasyon sa isang civil lawsuit kamakailan

Nag-uusap sina Pope Francis at Cardinal Marc Ouellet.

Pope Francis, kaliwa, kasama si Cardinal Marc Ouellet (archives).

Litrato: Getty Images / Tiziana Fabi

RCI

Naglabas ng pahayag si Pope Francis ngayong Huwebes ng umaga na nagsasabing walang sapat na ebidensya para magbukas ng isang imbestigasyon ang simbahan tungkol kay Cardinal Marc Ouellet, ang dating arsobispo ng Quebec.

Si Ouellet, na nagtatrabaho sa Vatican at ang nakikitang potensyal na successor sa Santo Papa, ay isa sa 88 na miyembro ng kaparian na pinangalanan sa isang sexual assault lawsuit laban sa archdiocese ng Quebec na isinapubliko noong Martes.

Ang class action lawsuit ay kumakatawan sa mahigit 100 na diumano’y biktima na nagsasabing sila ay sekswal na inabuso, karamihan sa kanila menor-de-edad, ng mga pari at staff na nagtatrabaho sa archdiocese mula taong 1940.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita