1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Gobyerno ng Ontario inanunsyo ang plano para patatagin ang health-care system

Ford sinabi na ikinokonsidera ng probinsya ang lahat ng options, kasama ang paglahok ng pribadong sektor

Sylvia Jones nagsasalita sa podium.

Ontario Health Minister Sylvia Jones (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Nathan Denette

RCI

Kasama sa plano ni Ontario Health Minister Sylvia Jones para patatagin ang health-care system ang pagpapataas sa mga surgery na isinasagawa sa mga pribadong klinika na kinokober ng OHIP, pagkober sa mga eksaminasyon at registration fees para sa internationally trained nurses, at pagpapadala sa mga pasyente na naghihintay ng matagal para sa long-term care bed sa isang home na hindi nila pinili.

Inanunsyo ni Jones ang plano ngayong araw, habang ang nursing staff shortages ay nagdulot ng pagsasara ng emergency departments sa buong probinsya ngayong tag-init ng ilang oras o araw.

Sinabi niya na kasama sa plano ang pagbabago sa isang programa na maaaring i-deploy ang mga nurse full-time sa maraming ospital sa rehiyon, at pagpapalawak ng programa para sa mid-to-late career o retiradong nurses para i-mentor ang mas bagong mga nurse.

Pansamantala rin na ikokober ng probinsya ang eksaminasyon, aplikasyon at registration fees para sa internationally trained nurses at mga retiradong nurse, makakatipid sila ng hanggang $1,500, at plano rin ng gobyerno na mag-invest ng hanggang $57.6 milyon sa susunod na tatlong taon para dagdagan ang bilang ng nurse practitioners na nagtatrabaho sa long-term care homes.

Sa long-term care, plano ng gobyerno na ipakilala ang isang batas ngayong araw na pahihintulutan ang mga pasyente na naghihintay ng isang bed na mailipat sa isang temporary home habang naghihintay ng espasyo sa kanilang preferred home, at dadalhin ang 300 beds na ginamit para sa COVID-19 isolation at gagawin itong available para sa mga tao na nasa wait lists.

Sinabi ni long-term care minister Paul Calandra na ang batas ay hindi pupuwersahin ang sinuman na ayaw umalis ng ospital na pumunta rito, ngunit pahihintulutan nito na ipagpatuloy namin ang conversation.

May isang hamon sa acute care at ang long-term care ay nasa posisyon na makagawa ng pagkakaiba sa unang pagkakataon sa loob ng mga henerasyon, ani Calandra.

Iminumungkahi rin ng lengguwahe sa plano ang mas malaking papel para sa pribadong delivery ngunit publicly covered services, na sinasabi ng gobyerno na mas mag-i-invest sila para pataasin ang surgeries sa pediatric hospitals at existing private clinics na covered ng OHIP at ikinokonsidera rin ang options para mas dagdagan ang surgical capacity sa pamamagitan ng pagpapadami sa bilang ng mga procedure na gagawin sa independent health facilities.

Noong nakaraang linggo, sinabi nina Jones at Premier Doug Ford na pinag-iisipan ng probinsya ang lahat ng options para pagandahin ang health-care system, at hindi isinantabi ang paglahok ng pribadong sektor, bagama’t sinabi nila na ang Ontarians ay hindi magbabayad para sa anumang bagay.

Nagsara ang emergency departments ng mga ospital sa buong Ontario ng ilang oras o araw ngayong tag-init dahil sa malalang shortage ng mga nurse.

Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa CBC News

Mga Ulo ng Balita