1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Oil Industry

Oilpatch ng Canada nag-uumapaw sa pera — ano ang gagawin nila rito?

Ang record profits para sa oilpatch ay palalakihin din ang revenue ng gobyerno

Ang mga pumpjacks.

Ang mga pumpjacks na ito ang kumukuha ng langis mula sa Olds, Alberta noong Hulyo 16, 2020.

Litrato: La Presse canadienne / Jeff McIntosh

RCI

Natamo ng Canadian oilpatch ang pinakakumitang taon nito kailanman.

Ang malaking presyo para sa langis at natural gas na naging pasakit sa mga konsumer ay nagde-deliver ng kayaman sa industriya.

Ang yaman na iyon ay pinalakas sa nakalipas na mga linggo habang nakakuha na naman ang mga kompanya ng pambihirang kita.

Habang ang presyo ng commodity ay bahagyang lumambot, may lumalaking consensus na ang mga presyo ay mananatiling nasa itaas ng average sa loob ng matagal pang panahon.

Ang suwerteng hindi inaasahan para sa industriya ay nagkakaroon ng maraming epekto sa sektor habang ang lebel ng utang ay bumababa, nakikinabang ang mga shareholder at ang kaban ng gobyerno sa Alberta, Saskatchewan at Newfoundland ay napupuno.

Kasabay nito, ang industriya malamang ay makakakuha ng kaunting suporta mula sa publiko sa pagkontra nito sa ilang bagong environmental regulations na nakatuon sa pagpigil sa climate change.

Batay sa kasaysayan, ang pinakamalaking oil producers ng Canada ay palaging nagdedebelop ng mga bagong multi-billion na proyekto para palaguin ang kanilang operasyon.

Gayunpaman, habang ang mga kompanya ay lumayo na sa pagbibigay prayoridad sa paglago, bilyong-bilyong dolyar ang available para gastusin sa ibang bagay.

Basahin ang kabuuan ng istoryang ito rito. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita