1. Home
  2. Lipunan
  3. Biyahe

Canada nagdagdag ng passport pickup service sa 4 pang lungsod, marami pa ang darating

Mahigit 250,000 na passport applications ang kailangan pang iproseso

Mga tao sa harap ng gusali, nasa gitna ang isang security guard.

Pumila ang mga tao sa labas ng Service Canada office sa Guy-Favreau complex sa Montreal noong Hunyo 22 (archives).

Litrato: Radio-Canada / Ivanoh Demers

RCI

Plano ng pederal na gobyerno ng Canada na magbukas ng apat na bagong passport pickup locations sa buong bansa habang nahihirapan ito na i-manage ang mahabang wait times at backlogs na naapektuhan ang application process sa loob ng maraming buwan.

Ang bagong application at pickup service ay magiging available sa Trois-Rivières, Que.; Sault Ste. Marie, Ont.; Charlottetown, P.E.I.; at Red Deer, Alta.

Ang mga taong isusumite ang kanilang aplikasyon sa mga lokasyon na iyon ay maaaring makuha ang kanilang pasaporte sa loob ng 10 business days, ani Karina Gould, ang minister na responsable para sa passport system, sa isang news conference sa Trois-Rivières.

Gagawin nito na mas madali ang buhay para sa mga nag-a-apply ng pasaporte sa mga lugar na iyon, aniya.

Plano ng Canada na mag-alok ng 10 araw na turnaround times sa siyam o 10 pang dagdag na lokasyon sa hinaharap para matupad ang layunin ng gobyerno na mag-alok ng passport services sa loob ng 50 kilometro ng karamihan sa mga Canadian, ani Gould.

Canada hindi nahulaan ang extent ng demand: Gould

Minarkahan ng pagbubukas ng bagong pickup locations ang pinakahuling gawain ng gobyerno para pagandahin ang inilarawan ni Prime Minister Justin Trudeau na isang "unacceptable" situation (bagong window) na kinakaharap ng mga taong bibiyahe.

Nagbabala ang Service Canada, ang ahensya na nagpoproseso ng mga aplikasyon at namamahagi ng mga pasaporte, nitong unang bahagi ng taon tungkol sa isang unprecedented surge sa mga aplikasyon habang ang Canadians ay sabik na makabalik sa international travel na pinuno ang kanilang opisina ng mga aplikasyon.

Alam namin na magkakaroon ng increased demand para sa mga pasaporte matapos tanggalin ang mga paghihigpit, pero hindi namin nahulaan to what extent magkakaroon ng increased demand, ani Gould ngayong Miyerkules.

Sa peak ng demand noong spring, ang mga aplikasyon para sa pasaporte ay nasa 40 beses na mas mataas kaysa bago magpandemya (bagong window).

Sinabi ni Gould na ang sitwasyon ay nag-improve considerably mula Hunyo, kung saan 281,055 applications ang isinumite — ang pinakamataas na buwanang total ng taon.

Nangako ang Canada na magha-hire ng mas maraming manggagawa at nag-assemble ng isang dedicated task force para bawasan ang wait times.

Sa kabila ng mga gawaing iyon, patuloy na iniuulat ng Canadians ang paghihintay na inaabot ng buwan bago makuha ang kanilang mga pasaporte. Ang delays na iyon ay pinuwersa ang ilang pamilya na kanselahin ang kanilang travel plans.

Ang hindi pangkaraniwan na mahabang pila ay naging karaniwang tanawin sa mga lokasyon ng Service Canada. Iniulat ng mga aplikante ang paggamit ng extreme measures, tulad ng pagdating sa mga opisina ng Service Canada bago sumikat ang araw at i-claim ang spot sa pila.

Ayon sa pinakahuling pigura ng gobyerno (bagong window), 1,092,560 applications ang naisumite sa Service Canada mula Abril 1, habang 748,784 passports ang naisyu na sa parehong period.

Isang artikulo ni Nick Boisvert (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita